Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Salamis”
  • Salamis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Salamis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • “Naglayag Sila Patungong Ciprus”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Ciprus
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 13:1–14:28) mga 47-48 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pafos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Salamis”

SALAMIS

Isang mahalagang lunsod ng Ciprus. Sina Pablo, Bernabe, at Juan Marcos ay ‘nagpahayag ng salita ng Diyos’ sa lugar na iyon noong malapit nang magsimula ang unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero noong mga 47 C.E. Hindi sinasabi kung gaano katagal silang nanatili sa lunsod. Lumilitaw na may malaking populasyong Judio sa Salamis, yamang mahigit sa isa ang sinagoga roon.​—Gaw 13:2-5.

Ang Salamis ay kadalasang iniuugnay sa mga guho na matatagpuan mga 5 km (3 mi) sa H ng makabagong lunsod ng Famagusta. Kaya naman maipapalagay na ito ay nasa S dulo ng isang malaki at matabang kapatagan, sa H lamang ng ilog ng Pedias (Pediaeus). Samakatuwid, ang Salamis ay mga 200 km (120 mi) sa KTK sa ibayo ng Dagat Mediteraneo mula sa Seleucia, kung saan nilisan ni Pablo ang Sirya. Bagaman hindi espesipikong sinasabi ng Bibliya na ang barkong sinakyan ni Pablo ay nagbaba ng angkla sa isang daungan sa Salamis, ang lunsod ay dating may mainam na daungan na ngayon ay natambakan na ng banlik.

Waring ang Salamis ay idinugtong sa Pafos, na nasa kabilang dulo ng pulo, ng kahit isang lansangan man lamang. Maaaring dahil dito ay napadali ang paglalakbay ni Pablo at ng kaniyang mga kasamahan habang nangangaral sila sa “buong pulo hanggang sa Pafos.”​—Gaw 13:4-6.

Malamang na muling dinalaw nina Bernabe at Juan Marcos ang Salamis noong mga 49 C.E.​—Gaw 15:36-39.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share