Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sanbalat”
  • Sanbalat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sanbalat
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Nehemias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Horonita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gesem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tobia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sanbalat”

SANBALAT

[mula sa wikang Akkadiano, nangangahulugang “Iniligtas ni Sin [na diyos-buwan]”].

Isang Horonita (nangangahulugang isang tumatahan sa Bet-horon o sa Horonaim) na sumalansang sa mga pagsisikap ni Nehemias na kumpunihin ang pader ng Jerusalem. (Ne 2:10) Ipinapalagay na siya ang Sanbalat na binabanggit sa isang papiro na nasumpungan sa Elephantine, Ehipto, na nagpapakilala sa isang lalaki na may gayong pangalan bilang ang gobernador ng Samaria at ama nina Delaias at Selemias.

Inalipusta ni Sanbalat, kasama nina Tobia at Gesem, ang mga Judio at inakusahan ang mga ito ng paghihimagsik laban sa hari ng Persia. (Ne 2:19; 4:1) Habang sumusulong ang gawaing pagkukumpuni, siya at ang iba pang mga sumasalansang ay nagsabuwatan upang makipaglaban sa Jerusalem. Ngunit anumang pagsisikap ang kanilang ginawa may kinalaman dito ay hindi naging mabisa, sapagkat ang mga Judio ay nanalig kay Jehova at naglagay ng isang bantay. (Ne 4:7-9) Matapos mapunan ang mga puwang sa pader ng Jerusalem, paulit-ulit na tinangka ni Sanbalat at ng iba pa na hikayatin si Nehemias na umalis sa lunsod. Nang mabigo ito, inupahan niya at ni Tobia ang isang Judio na takutin si Nehemias upang may-kamalian itong magtago sa templo. Ngunit hindi sila nagtagumpay.​—Ne 6:1-14.

Nang maglaon, nang bumalik siya pagkaraang mawala sa Jerusalem, natuklasan ni Nehemias na ang isang apo ng mataas na saserdoteng si Eliasib ay naging manugang ni Sanbalat. Sa gayon ay itinaboy ni Nehemias ang apong ito.​—Ne 13:6, 7, 28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share