SCITA
Isang mabangis, pagala-galang grupo ng mga tao na karaniwang iniuugnay sa rehiyon sa H at HS ng Dagat na Itim. Ipinahihiwatig ng katibayan na umabot ang pagpapagala-gala nila sa kanluraning Siberia malapit sa hanggahan ng Mongolia. Noong unang siglo C.E., ipinahiwatig ng salitang “Scita” ang pinakamasahol sa di-sibilisadong mga tao. Gayunman, kahit ang gayong mga tao ay maaaring maging mga Kristiyano at magkaroon ng pantay na katayuan sa iba pang mga mananampalataya bilang mga miyembro ng katawan ni Kristo. Isinulat ng apostol na si Pablo: “Walang Griego ni Judio, pagtutuli ni di-pagtutuli, banyaga, Scita, alipin, taong laya, kundi si Kristo ang lahat ng bagay at nasa lahat.”—Col 3:11; tingnan ang PAGHIHIWA.