SECACA
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “takpan; tabingan”].
Isang lunsod ng Juda sa ilang. (Jos 15:20, 61) Kadalasang ipinapalagay na ang Secaca ay ang Khirbet es-Samrah na nasa isang burol mga 6 na km (3.5 mi) sa K ng hilagaang bahagi ng Dagat na Patay. Ito’y nasa pinakasentro ng el Buqeiʽa (Biqʽat Hureqanya), na isang tigang na talampas, sa hilagang seksiyon ng Ilang ng Juda.