Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tintero ng Kalihim”
  • Tintero ng Kalihim

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tintero ng Kalihim
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Kalihim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • “Markahan Mo sa Noo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tintero ng Kalihim”

TINTERO NG KALIHIM

Sa Ezekiel 9:2, 3, 11, ang lalaking nakasuot ng lino na may pananagutang markahan ang mga indibiduwal sa noo ay inilalarawan bilang may “tintero ng kalihim sa kaniyang mga balakang,” na maliwanag na nakasukbit sa kaniyang baywang sa pamamagitan ng pamigkis. Ang tinterong ito ng kalihim ay maaaring katulad ng ginagamit noon sa sinaunang Ehipto. Ang Ehipsiyong ‘kagamitan ng eskriba’ ay isang kahita na mahaba at makitid, gawa sa kahoy, at may kompartment o mga lalagyan para sa mga panulat na tambo. Sa pinakalabas nito, sa bandang itaas, mayroon itong isa o mas marami pang uka para sa isang maliit na limpak ng pinatuyong tinta. Kapag magsusulat, ipinapahid ng eskriba sa tinta ang basang dulo ng kaniyang panulat. Ipinakikita ng mga inskripsiyon na ang ‘kagamitan ng eskriba’ na ginamit ng mga eskribang Siryano ay katulad nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share