Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Selah”
  • Selah

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Selah
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Selah
    Glosari
  • Higayon
    Glosari
  • Higayon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Musika na Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Selah”

SELAH

Transliterasyon ng isang pananalitang Hebreo na malimit makita sa Mga Awit at lumilitaw rin sa Habakuk kabanata 3. Bagaman karaniwang ipinapalagay na ito ay isang teknikal na termino sa musika o sa pagtula, hindi alam kung ano ang eksaktong kahulugan nito. Naniniwala ang ilan na ang ibig sabihin nito ay isang “paghinto, pagtigil, o pagpigil,” maaaring sa pag-awit ng salmo upang bigyang-daan ang isang interlude ng musika o paghinto kapuwa sa pag-awit at sa musikang tugtugin upang tahimik na makapagbulay-bulay. Alinman dito, walang alinlangan na ginagamit ang paghinto upang lalong maidiin ang bagay o damdaming kapapahayag lamang, upang maitimo ang lubos na kahalagahan ng huling kapahayagan. Sa Griegong Septuagint, isinalin ang Selah bilang di·aʹpsal·ma, na binibigyang-katuturan bilang “isang interlude ng musika.” Ang Selah ay laging lumilitaw sa dulo ng isang sugnay at karaniwa’y sa dulo ng isang strophe, anupat ang bawat paglitaw ay nasa isang awit na naglalaman ng isang uri ng tagubilin o pananalita para sa musika. Sa Awit 9:16, kasama nito ang “Higayon,” anupat doon ay inuunawa ito ng ilan bilang nauugnay sa musika ng alpa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share