SALMAN
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “makipagpayapaan; magbayad; gumanti”].
Ang mananamsam sa bahay ni Arbel na binanggit ni Oseas nang humula ito laban sa walang-pananampalatayang hilagang kaharian ng Israel. Bagaman hindi binabanggit si Salman ni si Arbel sa ibang bahagi ng Bibliya, ipinahihiwatig ng nagkataon ngunit mariing pagtukoy ni Oseas sa kanila na ang insidente ay sariwa pa sa isipan ng kaniyang mga tagapakinig.—Os 10:14.
Isang inskripsiyon ni Tiglat-pileser III sa isang gusali ang tumutukoy sa isang prinsipe ng Moab na nagngangalang Salamanu, ngunit walang makasaysayang saligan upang iugnay siya sa pananamsam sa Israel.—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 282.
Dahil dito, ang Salman ay karaniwang ipinapalagay na isang pinaikling anyo ng “Salmaneser,” na pangalan ng limang Asiryanong hari. Malamang na si Salmaneser V ang taong tinutukoy rito, sapagkat nang papatapos na ang yugto ng panghuhula ni Oseas, sinalakay ni Salmaneser V ang Israel at kinubkob ang Samaria.