SAMIR
1. Isang Levita na anak ni Mikas.—1Cr 24:20, 24.
2. Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48) Ang sinaunang pangalan ay waring napanatili sa Khirbet Somerah, bagaman ipinapalagay na ang aktuwal na lugar ay nasa kalapit na el-Bireh, mga 20 km (12 mi) sa TK ng Hebron.
3. Sa lugar na ito sa bulubunduking pook ng Efraim nakatira at inilibing si Hukom Tola. (Huk 10:1, 2) Ang Samir ay maaaring nasa mas huling lokasyon ng Samaria o malapit doon. Ang pangmalas na ito’y waring sinusuportahan ng Codex Alexandrinus (LXX), na kababasahan ng Sa·ma·reiʹai (Samaria) sa Hukom 10:1.