SHIBOLET
Ang salitang hudyat na ginamit ng mga lalaki ng Gilead upang makilala ang mga Efraimita na nagtatangkang tumakas patungo sa kabila ng Jordan. Nangangahulugan ito ng “uhay ng butil” o “umaagos na daloy.” Noong nakikipagbaka sila kay Jepte, ang tumatakas na mga Efraimita ay nahalata ng mga tanod na Gileadita sa mga tawiran ng Jordan dahil sa maling pagbigkas nila sa unang tunog na “sh” ng salitang hudyat na ito. Ang sinasabi nila ay “Sibolet.” (Huk 12:4-6) Samakatuwid, maliwanag na may pagkakaiba-iba noon sa pagbigkas sa gitna ng mga tribo, kung paanong nang maglaon ay nagkaroon ng magkaibang paraan ng pagsasalita ang mga taga-Galilea at ang mga Judeano.—Ihambing ang Mat 26:73; Luc 22:59.