SIBECAI
Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, isang Husatita. (1Cr 11:26, 29) Sa isang pakikipagdigma laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Sibecai si Sap (Sipai), isa sa malahiganteng mga Repaim, sa gayon ay sinupil ang kaaway. (2Sa 21:18; 1Cr 20:4) Nang organisahin ni David ang buwanang nagririlyebong paglilingkod ng mga hukbo ng bansa, si Sibecai ay inilagay upang mangasiwa sa ikawalong pangkat. (1Cr 27:1, 11) Lumilitaw na tinatawag siyang Mebunai sa 2 Samuel 23:27.