Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pilak”
  • Pilak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pilak
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Salapi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Siklo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ginto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tunay na Kasaganaan sa Bagong Sanlibutan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pilak”

PILAK

Isang mahalagang elementong metal na kulay puti at napakikintab nang husto. Yamang ang pilak ay bihirang masumpungan sa likas na anyo nito, kailangang tunawin at dalisayin ang inambato nito upang makuha ito at maihiwalay sa bato, linab, at dumi, gayundin sa ibang mga metal gaya ng tingga. (Aw 12:6; Kaw 27:21; Eze 22:20-22; Mal 3:3) Kung minsan, ang terminong Hebreo para sa pilak (keʹseph) ay isinasalin bilang “salapi” at ang terminong Griego para sa pilak (ar·gyʹri·on) ay isinasalin bilang “salaping pilak” o “pirasong pilak.”​—Gen 17:12, tlb sa Rbi8; Mat 25:18; 26:15; tingnan ang SALAPI.

May dalawang pangunahing gamit ang dinalisay na pilak. (1) Ginamit itong panukat ng kayamanan at bilang pambayad. Ito ang ipinambayad ni Abraham nang bumili siya ng isang loteng libingan ng kaniyang pamilya. (Gen 13:2; 23:15-18) Noon, ang pagbabayad ay ayon sa timbang, yamang naimbento lamang ang mga barya pagkaraan ng ilang siglo. (2) Mula pa noong panahon ng mga patriyarka, ginagamit na ang pilak sa paggawa ng magagandang bagay at mga palamuti. (Gen 24:53; 44:2; Exo 11:2; 12:35) Ginamit ang pilak para sa dalawang trumpeta ng Israel (Bil 10:2), sa pagtatayo ng tabernakulo (Exo 26:19, 21, 25, 32; 27:10, 11, 17), at sa templo ni Solomon (1Cr 28:15-17). Ginamit din ito sa paggawa ng mga idolo.​—Exo 20:23; Os 13:2; Hab 2:19; Gaw 19:24.

Mataas ang pagpapahalaga ng lahat ng sinaunang mga bansa sa pilak. (2Sa 8:10, 11; 2Cr 9:14) Noong namamahala si Solomon, hindi lamang pilak ang nanagana sa Jerusalem kundi pati ginto anupat ang pilak ay itinuring na “walang halaga,” “tulad ng mga bato.” (1Ha 10:21, 27; 2Cr 9:20; ihambing ang Dan 2:32.) Minsan sa bawat tatlong taon, may mga barkong nagdadala ng mga kargamentong pilak mula sa Tarsis (malamang na Espanya, na nagsusuplay pa rin ng pilak sa ngayon).​—1Ha 10:22; 2Cr 9:21; Jer 10:9; Eze 27:12.

Kung ihahambing sa kumukupas na halaga ng pilak, lalong dapat pahalagahan ang karunungan, disiplina, at unawa na nagmumula kay Jehova. (Kaw 3:13, 14; 8:10, 19; 16:16) Ginagamit din ng Kasulatan ang pilak sa ilang makasagisag na diwa.​—Ec 12:6; Isa 60:17; Dan 2:32; 1Co 3:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share