SINITA
Isang sanga ng mga inapo ni Canaan, at isa sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha. (Gen 10:15, 17; 1Cr 1:15) Ilang lokasyon sa Lebanon na may kahawig na pangalan ang binanggit sa iba’t ibang sinaunang akda, ngunit nananatiling di-tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon na pinamayanan ng mga Sinita.