Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Awit”
  • Awit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Awit
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Makiawit Tungkol sa Kaharian!
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Makiawit ng Awit Tungkol sa Kaharian!
    Umawit kay Jehova
  • Umalinsabay sa Awit ng Kaharian!
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Umawit ng mga Papuri kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Awit”

AWIT

Isang komposisyon na may musika at mga titik; isang matulaing komposisyon. (Tingnan ang MUSIKA.) Mga ikasampung bahagi ng buong Bibliya ay awit, anupat ang pinakapangunahing mga halimbawa ay ang Mga Awit, Ang Awit ni Solomon, at Mga Panaghoy. Bagaman ang Kasulatan ay may tinutukoy na sekular na mga awit, gaya ng mga awit ng paghamak at ng pang-aakit, ang karamihan sa mga 300 pagtukoy ng Bibliya sa paksang ito ay nauugnay sa pagsamba sa Diyos na Jehova. Sa kalakhang bahagi, ang pag-awit ay iniuugnay sa kagalakan, gaya noong sumulat ang alagad na si Santiago: “Mayroon bang sinumang nagagalak? Umawit siya ng mga salmo [mga awit ng papuri sa Diyos].” (San 5:13) Ang mga awit na nagpapahayag ng kalumbayan ay maaaring wastong tawaging mga panambitan.​—Am 8:10; tingnan ang PANAMBITAN.

Ang unang awit na nakaulat sa Bibliya ay yaong inawit ni Moises at ng mga lalaki ng Israel, na tinugon ni Miriam at ng mga babae, noong iniligtas sila sa Dagat na Pula. (Exo 15:1-21) Kabilang sa iba pang mga awit ay yaong awit ng pamamaalam ni Moises, ang awit ng tagumpay nina Debora at Barak, at ang panambitan ni David na nanaghoy sa pagkamatay ni Saul at ng malapít na kaibigan ni David na si Jonatan. (Deu 31:30; 32:1-43; Huk 5:1-31; 2Sa 1:17-27) Kabilang sa iba pang mga komposisyon ni David ang di-kukulangin sa 73 sa Mga Awit. Tinutukoy rin ng Bibliya ang “awit kay Jehova,” na binanggit may kaugnayan sa pagsasauli ni Hezekias ng dalisay na pagsamba, gayundin ang ‘awit ni Moises at ng Kordero.’​—2Cr 29:27; Apo 15:3, 4.

Ang mga pagtukoy sa “isang bagong awit” ay lumilitaw hindi lamang sa Mga Awit kundi pati sa mga isinulat ni Isaias at ng apostol na si Juan. (Aw 33:3; 40:3; 96:1; 98:1; 144:9; 149:1; Isa 42:10; Apo 5:9; 14:3) Isinisiwalat ng pagsusuri sa konteksto ng karamihan sa mga paglitaw ng pananalitang “bagong awit” na inaawit ito dahil sa isang bagong pangyayari sa paggamit ni Jehova ng kaniyang pansansinukob na soberanya. Gaya ng may-kagalakang inihahayag sa Awit 96:10: “Si Jehova ay naging hari.” Waring ang mga bagong pangyayari sa pagpapalawak ni Jehova ng kaniyang paghahari, at ang kahulugan ng mga bagay na ito para sa langit at sa lupa, ang paksa ng “bagong awit” na ito.​—Aw 96:11-13; 98:9; Isa 42:10, 13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share