SUP
[posible, Mga Tambo].
Isa sa mga lokasyon na binanggit upang ipahiwatig kung saan nagsalita si Moises sa mga Israelita noong ika-40 taon ng kanilang pagpapagala-gala sa ilang. (Deu 1:1, tlb sa Rbi8) Sa halip na “Sup,” ang Griegong Septuagint (Bagster) at ang Latin na Vulgate ay kababasahan ng “Dagat na Pula.” Marahil ay dahil inakalang ang salitang Hebreo na yam (na nangangahulugang “dagat”) ay inalis, anupat iniwan ang Sup bilang pinaikling yam-suphʹ (Dagat na Pula). Sa kasong ito, ang tinutukoy ay ang bahagi ng dagat na tinatawag na Gulpo ng ʽAqaba. Gayunman, kung uunawain nang literal, sinasabi ng Hebreong tekstong Masoretiko na si Moises ay nagsalita sa Israel “sa mga disyertong kapatagan sa tapat ng Sup.” At binanggit ng talata 5 na ito’y “sa pook ng Jordan sa lupain ng Moab.” Samakatuwid, bagaman hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Sup, lumilitaw na ito’y isang lugar sa S ng Jordan. Walang-katiyakang iniuugnay ito sa Khirbet Sufa, mga 6 na km (3.5 mi) sa TTS ng Madaba.