SEYENE
Isang lunsod na lumilitaw na nasa pinakadulong timog ng sinaunang Ehipto. (Eze 29:10; 30:6) Ang lunsod ay nagsilbing isang pamilihan o dako ng kalakalan. Iniuugnay ito sa Aswan, na nasa S pampang ng Nilo malapit sa pulo ng Elephantine at mga 690 km (430 mi) sa T ng Cairo.