SYMEON
[mula sa salitang-ugat na Heb. na nangangahulugang “makinig; pakinggan”].
1. Isang ninuno ng ina ni Jesus na si Maria.—Luc 3:30.
2. Ang anyo ng pangalan ni Simon (Pedro) na ginamit ni Santiago nang minsan sa sanggunian sa Jerusalem.—Gaw 15:14.
3. Isa sa mga propeta at mga guro ng kongregasyon sa Antioquia, Sirya, na nagpatong ng kanilang mga kamay kina Bernabe at Pablo pagkatapos na italaga ng banal na espiritu ang dalawang ito para sa gawaing pagmimisyonero. Ang huling pangalang Latin ni Symeon ay Niger.—Gaw 13:1-3.