Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tamar”
  • Tamar

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tamar
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Amnon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nauwi sa Kapahamakan ang Pagiging Makasarili ni Amnon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Absalom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tamar”

TAMAR

[Puno ng Palma].

1. Manugang ng anak ni Jacob na si Juda. Napangasawa ni Tamar ang unang anak ni Juda na si Er, ngunit pinatay ni Jehova si Er dahil sa kabalakyutan nito, anupat naiwang balo si Tamar. Pagkatapos ay ibinigay sa kaniya si Onan, ngunit pinatay ito ni Jehova sapagkat nabigo itong tuparin ang pag-aasawa bilang bayaw, at si Tamar ay nanatili pa ring balong walang anak. Dahil ipinagpaliban ni Juda ang pagbibigay sa kaniya ng ikatlong anak nito, si Tamar ay nagbalatkayo bilang isang patutot upang masipingan siya ni Juda mismo, anupat may-katusuhang kinuha ang singsing na pantatak, panali, at tungkod ni Juda bilang paniguro. Nang malaman ni Juda na nagdadalang-tao si Tamar, noong una ay ipinag-utos niya na sunugin ito matapos pagbabatuhin. (Ihambing ang Jos 7:15, 25.) Ngunit nang malaman niya na siya ang ama ng sanggol sa sinapupunan ni Tamar sa pamamagitan ng pagmamaniobra nito upang magkaroon ng tagapagmana, bumulalas si Juda, “Siya ay higit na matuwid kaysa sa akin.” Pagkatapos maghirap sa panganganak, si Tamar ay nagsilang ng kambal, sina Perez at Zera. (Gen 38:6-30) Ang Mesiyanikong angkan ay matatalunton sa kaniyang anak na si Perez.​—Ru 4:12, 18-22; 1Cr 2:4; Mat 1:3.

2. Isang magandang anak ni Haring David at tunay na kapatid ni Absalom. (1Cr 3:9; 2Sa 13:1) Ang kaniyang pinakamatandang kapatid sa ama na si Amnon ay nahumaling sa kaniya at sa pamamagitan ng katusuhan ay nagtagumpay ito na halayin siya sa kabila ng kaniyang pagtutol. Inaliw siya ni Absalom, iningatan siya sa bahay nito, at pagkaraan ng dalawang taon ay ipinaghiganti nito si Tamar nang iutos niya sa kaniyang mga tauhan na paslangin si Amnon.​—2Sa 13:1-33.

3. Anak na babae ni Absalom, malamang na ipinangalan sa kaniyang tiya (Blg. 2). (2Sa 14:27) Tulad ng kaniyang ama, pagkaganda-ganda rin ng kaniyang anyo. Marahil ay napangasawa niya si Uriel, sa gayo’y siya ang ina ng paboritong asawa ni Rehoboam na si Maaca.​—2Cr 11:20, 21; 13:1, 2.

4. Isa sa mga lunsod na itinayo (posibleng itinayong muli o pinatibay) ni Haring Solomon. (1Ha 9:17-19) Ang Tamar ay inilarawan sa 1 Hari 9:18 na ‘nasa lupain,’ maliwanag na nangangahulugang ito’y nasa teritoryo ng Israel. Iniuugnay ni Yohanan Aharoni ang Tamar sa ʽAin Husb (ʽEn Hazeva), na mga 30 km (20 mi) sa TTK ng Dagat na Patay. Ito’y salig sa paghahambing ng mga hangganan ng Canaan na masusumpungan sa Bilang 34:3-6; Josue 15:1-4; at Ezekiel 47:19; 48:28.

Bagaman ang katulad na teksto sa 2 Cronica 8:4 ay kababasahan ng “Tadmor,” maliwanag na tumutukoy ito sa ibang lunsod, na karaniwang kinikilala bilang Palmyra.​—Tingnan ang TADMOR.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share