TATO
Isang permanenteng marka o disenyo sa balat na ginagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa balat upang lumikha ng mga pilat o sa pamamagitan ng pagpapasok ng pangkulay sa ilalim ng balat. Ipinagbawal sa mga Israelita ang kaugaliang ito, bagaman isang karaniwang kaugalian ito ng ilan sa ibang grupo ng sinaunang mga tao. (Lev 19:28) Halimbawa, may mga panahon noon na itinatato ng mga Ehipsiyo ang mga pangalan o mga sagisag ng kanilang mga bathala sa kanilang dibdib o mga braso. Kung susundin ng mga Israelita ang kautusan ni Jehova na huwag pasamain ang anyo ng kanilang mga katawan, mapapaiba sila mula sa iba pang mga bansa. (Deu 14:1, 2) Idiriin din sa kanila ng pagbabawal na ito ang wastong paggalang sa katawan ng tao bilang lalang ng Diyos, anupat dapat itong gamitin upang parangalan siya.—Aw 100:3; 139:13-16; Ro 12:1.