TEKOITA
[Ng (Mula sa) Tekoa].
Taong naninirahan sa Tekoa. (2Cr 11:6; Jer 6:1) Ang terminong ito ay ikinapit kay Ikes na ama ni Ira na mandirigma ni David. (2Sa 23:26; 1Cr 11:28; 27:9) Ikinapit din ito sa babaing marunong na pinakiusapan ni Joab na magpanggap na balo sa harap ni David sa isang pakana para pabalikin si Absalom mula sa pagkakatapon. (2Sa 14:2, 4, 9) Pagkabalik ng mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya, kabilang ang mga Tekoita sa mga tumulong sa pagkukumpuni ng mga pader ng Jerusalem, bagaman hindi tumulong sa gawain ang kanilang “mga taong mariringal” (“mga taong mahal,” AT).—Ne 3:5, 27.