TEL-ASAR
Isang dako na tinahanan ng “mga anak ng Eden” at binanggit kasama ng Gozan, Haran, at Rezep—mga lugar sa hilagang Mesopotamia. (2Ha 19:12; Isa 37:12) Ipinaghambog ni Senakerib, sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero, na ang mga diyos na sinasamba ng mga tao sa mga dakong ito ay hindi nakapagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng kaniyang mga ninuno. Dahil sa pagtukoy sa “mga anak ng Eden,” karaniwang iniuugnay ang Tel-asar sa maliit na kaharian ng Bit-adini na nasa gilid ng Mataas na Eufrates. Kapuwa tinukoy ng mga Asiryanong monarka na sina Tiglat-pileser III at Esar-hadon ang isang Til-Ashuri, ngunit ang lokasyon nito ay itinuturing na malapit sa Asiryanong hanggahan ng Elam. Dahil dito, ang pagkakakilanlan ng Tel-asar ay hindi pa rin matiyak.