TATLONG TABERNA
Isang pahingahang-dako na pinatototohanan sa mga sinaunang akda, nasa Appian Way, ang kilaláng lansangang-bayan na bumabagtas mula sa Roma hanggang sa Brundisium anupat dumaraan sa Capua. Marahil ay ibinigay sa lugar na ito ang gayong pangalan dahil sa tatlong bahay-tuluyan kung saan maaaring huminto ang mga manlalakbay upang magpahinga at magpanibagong-lakas. Ang lugar ng Tatlong Taberna ay 49 na km (30 mi) sa TS ng Roma. Ang Pamilihan ng Apio ay mas malayo pa roon nang mga 15 km (9.5 mi) sa Appian Way. Sa ngayon, ilang guhong Romano na lamang ang nalalabi sa lugar na iyon. Nang marinig ang tungkol sa pagdating ni Pablo, ang isang bahagi ng delegasyon ng mga Kristiyano mula sa Roma ay naghintay sa Tatlong Taberna samantalang ang iba naman ay naglakbay hanggang sa Pamilihan ng Apio.—Gaw 28:13-15.