Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Topet”
  • Topet

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Topet
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Hinom, Libis ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Libis ng Hinom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Gehenna
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Gehenna ba ay Isang Lugar ng Maapoy na Pagpapahirap?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Topet”

TOPET

Isang lugar sa labas ng Jerusalem kung saan ang mga apostatang Israelita, kasama na sina Ahaz at Manases, ay nagsagawa ng paghahain ng mga anak. Nang dakong huli, ginawa itong di-karapat-dapat ni Haring Josias para sa pagsamba. (2Ha 23:10; 2Cr 28:3; 33:6; Jer 7:31-33; 19:3-14; 32:35) Malamang na saklaw ng Topet ang isang seksiyon ng silanganing bahagi ng Libis ng Hinom malapit sa Pintuang-daan ng mga Basag na Palayok (Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo).​—Jer 19:2, 6, 14; tingnan ang HINOM, LIBIS NG.

Sa pagkokomento sa 2 Hari 23:10, ang Judiong komentarista na si David Kimhi (1160?-1235?) ay nagbigay ng ganitong posibleng paliwanag hinggil sa Topet: “Pangalan ng lugar kung saan nila pinaraan [sa apoy] ang kanilang mga anak para kay Molec. Topet ang pangalan ng lugar, at sinabi nilang gayon ang itinawag dito sapagkat sa panahon ng pagsamba sila’y nagsasayaw at nagpapatunog ng kanilang mga tamburin [sa Heb., tup·pimʹ] upang hindi marinig ng ama ang iyak ng kaniyang anak kapag pinararaan nila ito sa apoy, at upang hindi maligalig ang kaniyang puso dahil sa bata at kunin niya ito mula sa kanilang kamay. At ang lugar na ito’y isang libis na pag-aari ng isang lalaking nagngangalang Hinom, at tinawag itong ‘Libis ng Hinom’ at ‘Libis ng Anak ni Hinom’ . . . . At dinungisan ni Josias ang lugar na ito, anupat ginawa itong maruming lugar, upang pagtapunan ng mga bangkay at ng lahat ng karumihan, nang sa gayo’y hindi na kailanman pumasok sa puso ng tao na paraanin sa apoy ang kaniyang anak na lalaki at ang kaniyang anak na babae para kay Molec.”​—Biblia Rabbinica, Jerusalem, 1972.

Sa Isaias 30:32, 33, binanggit na ang kaparusahan ni Jehova laban sa Asirya ay “mangyayari nang may mga tamburin [sa Heb., bethup·pimʹ] at may mga alpa . . . . Sapagkat ang kaniyang Topet ay nakaayos mula noong mga panahong kalilipas lamang . . . . Ang apoy at kahoy ay marami. Ang hininga ni Jehova, tulad ng malakas na agos ng asupre, ay nagniningas laban doon.” Dito ang Topet ay ginamit sa makasagisag na paraan bilang isang lugar na nagniningas sa apoy, upang lumarawan sa pagkawasak na sasapit sa Asirya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share