Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Maiikling Hibla”
  • Maiikling Hibla

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maiikling Hibla
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Jehova, Aming Lakas
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Si Jehova, ang Ating Lakas
    Umawit kay Jehova
  • Delaila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Si Jehova, ang Ating Tibay at Kalakasan
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Maiikling Hibla”

MAIIKLING HIBLA

[sa Ingles, tow].

Ang orihinal na salitang Hebreo na isinalin nang ganito ay inuunawang tumutukoy sa magagaspang at maiikling hibla ng lino. Madaling magningas ang maiikling hiblang ito. Nang igapos ni Delaila si Samson sa pamamagitan ng sariwang mga litid, madali nitong napatid ang mga iyon, “kung paanong napapatid ang pinilipit na sinulid ng maiikling hibla kapag nakaamoy ito ng apoy.” (Huk 16:8, 9) Itinalaga ni Jehova na sa gitna ng kaniyang sinaunang bayan, ang mga balakyot at ang mga gawa ng mga ito ay magkakasamang malilipol, sa pagsasabing: “Ang taong puspos ng sigla ay tiyak na magiging maiikling hibla, at ang bunga ng kaniyang gawa naman ay isang siklab; at kapuwa sila magliliyab nang magkasabay, na walang sinumang papatay sa apoy.”​—Isa 1:24, 31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share