Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tribunal”
  • Tribunal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tribunal
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tribunal”

TRIBUNAL

Isang hukuman o porum ng katarungan. Sa ilang salin ng Bibliya, lumilitaw ang salitang ito sa 1 Corinto 4:3, kung saan sinasabi ni Pablo: “Napakaliit na bagay nga sa akin na ako ay susuriin ninyo o ng isang tribunal ng mga tao [sa Gr., an·thro·piʹnes he·meʹras].” Ang pananalitang Griego ay literal na nangangahulugang “araw ng tao” at inuunawang tumutukoy sa isang takdang araw, o isang araw na itinakda ng isang taong hukom para sa paglilitis o para sa paggagawad ng hatol.

Kinilala ni Pablo na sa isang diwa, ang mga taong gaya nina Apolos, Cefas, at ng kaniyang sarili ay pag-aari o mga lingkod ng kongregasyon sa Corinto. (1Co 3:21, 22) Gayunman, may ilan sa kongregasyong iyon ang pumupuna at humahatol kay Pablo, isang saloobing ibinunga ng kanilang sektaryanismo, ng kanilang pagiging makalaman sa halip na espirituwal, ng kanilang pagtingin sa tao sa halip na kay Kristo. (1Co 9:1-4) Ipinagtanggol ni Pablo ang kaniyang ministeryo nang may kahusayan (1Co 9:5-27), anupat itinatag niya ang pangkalahatang tuntunin o pangmalas na hindi paghatol ng mga tao ang pangunahing dapat ikabahala ng isang Kristiyano, ang paghatol mang ito ay mula sa mga taga-Corinto o sa isang hukuman ng tao sa isang takdang araw. Sa halip, ikinabahala ni Pablo ang panghinaharap na araw ng paghuhukom o pagsusuri ng Diyos (sa pamamagitan ni Jesus). Siya yaong nagkaloob kay Pablo ng pagiging katiwala na dito ay dapat mapatunayang tapat si Pablo.​—1Co 1:8; 4:2-5; Heb 4:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share