Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Uzah”
  • Uzah

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Uzah
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Laging Ginagawa ni Jehova ang Tama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Perez-uzah
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ahio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Panatilihin ang Takot na Mapalungkot si Jehova
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Uzah”

UZAH

[posibleng pinaikling anyo ng Uzias, nangangahulugang “Ang Aking Lakas ay si Jehova”].

1. Isang Meraritang Levita.​—1Cr 6:29.

2. Isang anak ni Abinadab, tiyak na isang Levita. Si Uzah at ang kaniyang kapatid na si Ahio ang umakay sa karwahe na kinalululanan ng kaban ng tipan mula sa kanilang bahay noong dalhin ito ni David sa Jerusalem. Nang muntik na itong maibuwal ng mga torong humihila sa karwahe, iniunat ni Uzah ang kaniyang kamay at sinunggaban ang Kaban upang pigilan ito, at dahil dito ay pinabagsak siya ni Jehova at namatay kaagad. Pinanganlan ni David ang dakong iyon na Perez-uzah sapagkat doon “sumiklab ang galit ni Jehova laban kay Uzah.”​—2Sa 6:3-8; 1Cr 13:7-11.

Bagaman ipinapalagay na mabuti ang intensiyon ni Uzah nang pigilan niya ang Kaban upang hindi ito mahulog, hinatulan iyon bilang isang “walang-pitagang pagkilos.” (2Sa 6:7) Ito ay sa dahilang nagkasala siya ng kusang pagsuway. Ipinag-utos ni Jehova na sa anumang kalagayan ay hindi dapat hipuin ng di-awtorisadong mga tao ang Kaban, isang babalang alam ng lahat na may kalakip na parusang kamatayan sa mga lalabag. (Bil 4:15, 19, 20) Kung ang mga awtorisado, mga Kohatitang Levita, ang pumasan nito sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga gaya ng iniutos ng Diyos, hindi sana sumapit ang galit ng Diyos.​—Exo 25:13, 14; Bil 7:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share