ZAANANIM
Lumilitaw na ang “malaking punungkahoy sa Zaananim” ay isang lugar na nasa timugang hangganan ng teritoryo ng tribo ni Neptali. (Jos 19:32, 33) Namatay si Sisera sa tolda ni Jael, na asawa ni Heber na Kenita, “malapit sa malaking punungkahoy sa Zaananim, na nasa [“nasa tabi ng” (JP) o “malapit sa” (AT, RS)] Kedes,” marahil ay ang Kedes sa TS ng Megido sa Isacar. (Huk 4:11, 17, 21; 5:19) Gayunman, hindi pa rin matukoy ang aktuwal na lokasyon ng Zaananim.