ZABAD
[[Ang Diyos ay] Nagkaloob].
1. Isang Efraimita sa pamilya ni Sutela.—1Cr 7:20, 21.
2. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Jerameel; ang kaniyang lolo sa tuhod ay isang Ehipsiyo; anak ni Natan.—1Cr 2:3, 25, 34-37.
3. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David; anak ni Alai.—1Cr 11:26, 41.
4. Isa sa mga pumaslang kay Haring Jehoas ng Juda; anak ni Simeat na babaing Ammonita. (2Cr 24:26) Tinatawag din siyang Jozacar.—2Ha 12:21; tingnan ang JOZACAR.
5, 6, 7. Tatlo sa mga Israelita na hinikayat ni Ezra na paalisin ang kanilang mga asawang banyaga at mga anak; ang isa ay anak ni Zatu, ang isa naman ay ni Hasum, at ang isa pa ay ni Nebo.—Ezr 10:10, 11, 27, 33, 43, 44.