ZALMONA
Isang lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita sa ilang pagkaalis nila sa Bundok Hor at bago sila humayo patungong Punon. (Bil 33:41, 42) Ang Zalmona ay walang-katiyakang iniuugnay ni Y. Aharoni sa es-Salmaneh, mga 20 km (12 mi) sa HHK ng iminumungkahing lokasyon ng Punon.