Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Zebedeo”
  • Zebedeo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Zebedeo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Salome
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Santiago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Juan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Zebedeo”

ZEBEDEO

[posibleng mula sa salitang-ugat na Heb. na nangangahulugang “magkaloob”].

Ama ng mga apostol ni Jesus na sina Santiago at Juan. (Mat 4:21, 22; 10:2; 26:37; Mar 3:17; 10:35; Luc 5:10; Ju 21:2) Karaniwan nang ipinapalagay na si Salome ay asawa ni Zebedeo at kapatid ng ina ni Jesus na si Maria. Mangangahulugan ito na si Zebedeo ay naging tiyo ni Jesus dahil sa napangasawa nito ang kaniyang tiya, at sina Santiago at Juan ay mga pinsan ni Jesus.​—Mat 27:56; Mar 15:40; Ju 19:25; tingnan ang SALOME Blg. 1.

Si Zebedeo ay may hanapbuhay na pangingisda sa Dagat ng Galilea at lumilitaw na naging maunlad siya roon, sapagkat may mga taong upahan na gumagawang kasama niya. (Mar 1:16, 19, 20) Ang asawa niyang si Salome ay nakapaglingkod kay Jesus sa pamamagitan ng materyal na mga bagay. (Mar 15:40, 41) Kaya bagaman walang pahiwatig na si Zebedeo mismo ay sumunod kay Kristo, malayang nagawa iyon ng kaniyang pamilya.​—Mat 20:20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share