ZEUS, MGA ANAK NI
Ayon sa mitolohiyang Griego at Romano, sina Castor at Pollux ay kambal na mga anak ni Leda at ng diyos na si Zeus (Jupiter), at dahil dito’y tinatawag silang Dioscuri, o “Mga Anak ni Zeus.” Ipinapalagay na sila ang tagapagsanggalang ng mga marinero, anupat inililigtas nila ang mga magdaragat na nalalagay sa panganib sa dagat. Pinaniniwalaan na ang mga bathalang ito ay nagpapakita sa anyong Santelmo kapag bumabagyo. Ang barkong Alejandrino na sinakyan ng bilanggong si Pablo mula sa Malta hanggang sa Puteoli noong patungo siya sa Roma ay may roda na “Mga Anak ni Zeus.” Marahil, nasa isang tagiliran ng unahan ng barko ang imahen o sagisag at pangalan ni Castor at nasa kabilang tagiliran naman ang katugma nitong representasyon at pangalan ni Pollux.—Gaw 28:11.