ZILA
[Lilim; Silungan].
Isa sa dalawang asawa ni Lamec, ang unang nagkaroon ng higit pa sa isang asawa sa ulat ng Bibliya. Siya ang ina ni Tubal-cain at ng kapatid na babae nito na si Naama. Kumatha si Lamec ng isang tula para sa kaniyang mga asawa na sina Ada at Zila.—Gen 4:19-24.