Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 1/1 p. 8-9
  • Nakikita ang Pagkakaisa ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakikita ang Pagkakaisa ng Kaharian
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Tinitipon ni Jehova ang Kaniyang Maligayang Bayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Mga Kombensiyon ng mga “Tagapag-ingat ng Katapatan” sa Pilipinas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Pagsasayá at Pagpupuri sa Diyos sa mga Asamblea
    Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 1/1 p. 8-9

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Nakikita ang Pagkakaisa ng Kaharian

PAGKAKAISA NG KAHARIAN ang nakitang tunay sa kamakailang mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa New Zealand at Pilipinas. Sa New Zealand, 13,408 ang nagsidalo sa “Pagkakaisa ng Kaharian” na mga kombensiyon at 167 ang nabautismuhan. Ang tatlong kombensiyon sa New Zealand ay pinag-ugnay-ugnay ng mga linya ng telepono at ikinunekta sa anim na mga kombensiyon sa Australia. “Marami sa mga Saksi na may mga kamag-anak sa mga ibang kombensiyon sa ugnay-ugnay na kaayusang ito ang nagsabi na kanilang naguguniguni ang mga kamag-anak nilang ito na nakikinig nang sabay-sabay sa iisang pahayag at isang kahanga-hangang patotoo iyon ng pagkakaisa,” ang sabi ng report. Isang sister na bingi na may 30 taon nang dumadalo sa mga kombensiyon ang nagsabi na ‘ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya’y may napakinabang sa programa,’ sapagka’t dito sila’y may mga tagapagsalin sa wika ng mga pipi’t bingi.

◻ Sa pagpapahalaga sa sama-samang pagtitipon, 120 ang naglakbay upang makadalo sa kombensiyon sa Auckland galing sa Rarotonga, sa Cook Islands, mga 1,800 milya (2,900 km) ang layo. (Hebreo 10:24, 25) Para may maipamasahe sa eroplano, ang mga sister ay nanahi at nagtinda ng mga bestida, ng mga kurtina, mga almohadon, frangipani na mga kuwintas at mga kuwintas na kabibi. Ang mga kapatid na lalaki naman ay nagtanim ng mga gulay upang pagkaani’y maipagbili at nangisda at gumapas upang magkaroon ng pera na pamasahe. Nabalitaan ng mga kongregasyon sa Cook Islands ang pangangailangan ng kanilang mga kapatid at nag-abuloy sila ng sapat na pera upang matakpan ang kakulangan kung kaya halos lahat ng mga kapatid sa Cook Islands ay nakadalo sa kombensiyon sa Auckland. Sa kapakinabangan nila ang mga ibang bahagi ng programa ay ginanap sa wikang Rarotongan. Ang 17 misyonero na dumalo sa tatlong kombensiyon sa New Zealand ay nakikigalak sa lahat ng mga kapatid na ito sa kanilang nagkakaisang paglilingkod kay Jehova bilang Hari.

◻ Ang 149,219 na dumalo sa 20 kombensiyon sa Pilipinas ay nakikigalak din na makipagkaisa ng pakikipagtipon sa kanilang mga kapatid at makita na 1,858 ang nabautismuhan. Marami ang kinakitaan ng totoong pagkadisidido na dumalo. Halimbawa, yaong doon sa Davao del Sur mga naninirahan, kasali na ang mga kapatid na kabilang sa tribo ng mga Manobo, ay lumakad nang 62 milya (100 km) upang makasakay sa isang bus para makadalo sa kombensiyon sa General Santos City sa Mindanao. Isa namang grupo ang naglakad at tumawid sa mga kabundukan upang malakbay nila ang layong 124 milya (200 km), gumugol sila nang tatlong araw. Pagkatapos ay sumakay sila sa batel at nangailangan ng isa pang araw ng paglalakbay upang makarating sa kombensiyon. Silang lahat ay sang-ayon na “sulit naman iyon.”

Ang komander ng Integrated National Police ay nagpunta sa kombensiyon sa Tuguegarao, Cagayan, at nagkomento sa mainam na pagkaorganisa ng kombensiyon. Sinabi niya: “Sa kanilang mga kombensiyon ay hindi na kailangan ng mga Saksi ni Jehova ang serbisyo ng pulisya sapagka’t ang kanilang mga pagtitipon ay mapayapa at maayos sa tuwina.” Isang tagapagmasid sa kombensiyon sa Binalonan, Pangasinan ang nagsabi: “Kung lahat ng tao sa pamayanan ay mga Saksi ni Jehova, sa lugar na iyon ay hindi na tayo dapat mag-alala tungkol sa kapayapaan at kaayusan . . . ang mga anak ay katabi ng kanilang mga magulang at mga nakikinig sila . . . walang isa mang naninigarilyo. Kaya’t nang ibig kong manigarilyo ay lumabas muna ako.”

Ang mga karanasang ito ay nagpapaunawa sa atin ng pagkakaisa at kagalakan ng mga tagapagbalitang ito ng Kaharian. Tunay na magiging isang kahanga-hangang panahon pagka lahat ng tao ay kumilala kay Jehova bilang Hari at pasakop na sa kaniyang paghahari. Kung magkagayo’y mapaparam na ang pagkakabaha-bahagi.

[Mga mapa/Mga larawan sa pahina 8]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

NEW ZEALAND

[Mapa]

PILIPINAS

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share