Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 1/1 p. 30-31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Moises—Kung Paano Ka Naaapektuhan ng Kaniyang Buhay
    Gumising!—2004
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Papaano Isang Propeta na Gaya ni Moises si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Inaalam ang mga Daan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 1/1 p. 30-31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Minsang maging isa sa mga Saksi ni Jehova ang isang tao, siya ba’y laging ibinibilang na gayon nga?

Hindi, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi tulad ng mga relihiyon na ang sinusunod ay, ‘Minsang maging miyembro ka, lagi ka nang miyembro.’ May mga ilang indibiduwal na naghihiwalay ng kanilang sarili sa kongregasyong Kristiyano o kaya’y natitiwalag dahil sa sila’y nagkasala at ayaw na magsisi.

Minsan maraming alagad ni Jesus ang nagsialis sa kaniya at “ayaw nang lumakad na kasama niya.” (Juan 6:66) Ipinaliliwanag din ng Bibliya na kung sinasadya ng isang Kristiyano ang malubhang pagkakasala at hindi nagsisisi, kailangang kumilos ang kongregasyon at ‘alisin sa kanila ang taong balakyot’ at ‘huwag nang makisama sa kaniya.’​—1 Corinto 5:9-13.

Kaya, ngayon, kung ang isang Kristiyano’y mahulog sa pagkakasala, siya’y pinupulong ng isang komite na binubuo ng kuwalipikadong hinirang na matatanda. Ibig nilang malaman kung siya’y nagsisisi at maaari pang mapagbago. (Galacia 6:1) Kung hindi, sinusunod ng matatanda ang tagubilin ng Bibliya na itiwalag ang nagkasala upang ang kongregasyon ay “walang lebadura.”​—1 Corinto 5:7.

O, gaya ng binanggit sa Juan 6:66, manakanaka ang isang Saksi ay magpapasiya na umalis sa katotohanan. Baka ipagbigay-alam na niya ang kaniyang desisyon kahit bago pa lamang nagsisimula ang komite na suriin ang kaniyang nagawang pagkakasala. Baka siya’y magpadala sa kanila ng sulat, o tahasang sabihin sa harap ng mga saksi, na ibig niyang ang sarili niya’y ilabas sa kongregasyon at huwag nang ipakilala ang sarili niya na isang Saksi. Kung gayon ay hindi na kailangang ipagpatuloy pa ng matatanda ang kanilang imbistigasyon. Gayunman, ang matatanda ay magbibigay sa kongregasyon ng maikling patalastas tungkol sa kaniyang paghiwalay upang maalaman nila na siya’y “humiwalay na sa atin.” (1 Juan 2:19) Kung magkagayon sila ay tatalima sa kinasihang payo na ‘huwag tanggapin ang gayong tao sa kanilang tahanan o batiin man lamang siya, upang huwag silang makaramay sa kaniyang masasamang gawa.’​—2 Juan 10, 11.

Samakatuwid, ang mga tao ay hindi pinipilit na manatiling bahagi ng kongregasyon. Subali’t karamihan sa mga Saksi ni Jehova ay may saloobin ng mga apostol na kusang nagsipanatiling kasama ni Jesus, na tinanggap ang kaniyang espirituwal na tulong at maligayang nakisama sa kongregasyon ng Diyos.​—Lucas 22:28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share