Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 4/15 p. 22-23
  • Ang Taong Mayaman at si Lazaro—Ano ang Makukuhang Aral?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Taong Mayaman at si Lazaro—Ano ang Makukuhang Aral?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro ay Nakaranas ng Pagbabago
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Sino ang Taong Mayaman at si Lazaro?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Lazaro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 4/15 p. 22-23

Buhay ang Salita ng Diyos

Ang Taong Mayaman at si Lazaro​—Ano ang Makukuhang Aral?

MALIMIT na si Jesu-Kristo’y nagtuturo ng isang aral sa pamamagitan ng pagkukuwento. Ganito sinimulan ni Jesus ang isang kilalang kuwento: “May isang taong mayaman, at siya’y nagdaramit ng kulay-ube at linen, at sa araw-araw ay kumakain nang sagana. At isang pulubi na ang pangala’y Lazaro, punô ng mga sugat, ang inilagay sa kaniyang pintuan at ibig na siya’y makakain ng mga mumo na nahuhulog sa lamesa ng taong mayaman. Oo, pati mga aso ay lumalapit at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.”

Kaya’t basta ang sabi ni Jesus ang isang tao raw ay mayaman, may mamahaling damit at saganang pagkain, nguni’t si Lazaro ay nagugutom, tadtad ng sugat at hinihimuran iyon ng mga aso. Mga talagang tao ba ang ikinukuwento niya? Hindi. Sa talababa sa Katolikong Jerusalem Bible ay sinasabi na ito’y isang “makatalinghagang kuwento na hindi tumutukoy sa mga tunay na tao.” At ipinakikita kung bakit, buhat sa sinabi ni Jesus pagkatapos:

“At nangyari, na namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham. At namatay naman ang mayaman at inilibing. At sa Hades ay itiningala niya ang kaniyang mga mata, samantalang siya’y pinahihirapan, at natanaw niya sa malayo si Abraham at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. Kaya’t siya’y sumigaw at sinabi niya, ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin at suguin mo si Lazaro upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagka’t naghihirap ako sa nag-aalab na apoy na ito.’ ”​—Lucas 16:19-24.

Walang sinabi si Jesus na ang mayaman ay masama at dapat parusahan sa apoy; kundi hindi pala pinakain ng taong iyon ang mga dukha. Walang sinabi si Jesus na si Lazaro ay gumawa ng mabuti at karapat-dapat siya sa langit, at ayon sa iba, ito ang ibig sabihin ng pagdadala sa kaniya sa sinapupunan ni Abraham. Si Abraham ay patay na at nakalibing, kaya’t si Lazaro ay hindi literal na madadala ng mga anghel sa kaniyang sinapupunan. (Gawa 2:29, 34; Juan 3:13) Kung ang mayaman ay nasa literal na apoy, hindi siya matutulungan ni Lazaro ng isang patak na tubig!

Sino, kung gayon, ang inilarawan ng mayaman at sino naman ang inilarawan ni Lazaro? Ano ang inilarawan ng kanilang pagkamatay? Ang mayaman ay lumarawan sa mga lider ng relihiyon na hindi nagpapakain sa mga tao sa espirituwal, at si Lazaro naman ay lumarawan sa mga tao na tumanggap kay Jesu-Kristo. Ang kanilang pagkamatay ay lumarawan sa pagbabago ng kanilang kalagayan.

Ang pagbabagong ito ay naganap nang ang tulad-Lazarong mga tao ay pakainin ni Jesus sa espirituwal. Sila ay napasa-ilalim ng paglingap ng Lalung-dakilang Abraham, si Jehova. Nguni’t, ang mga Judiong lider ng relihiyon ay “namatay” sa paglingap ng Diyos at pinaghirap sila ng mga turo ni Kristo at ng kaniyang mga alagad. Halimbawa, nang sila’y ibilad ni Esteban sa madla, “nasugatan sila sa puso at nagngalit ang kanilang ngipin . . . at nagtakip ng kanilang tainga.” “Para silang pinahihirapan.​—Gawa 7:51-57.

Samakatuwid imbis na ang itinuturo’y pagpaparusa sa apoy ng impierno pagkamatay ng tao, ang kuwento ni Jesus ay tungkol sa pagbabago ng kalagayan na nagawa ng kaniyang mga turo sa dalawang klase ng mga tao.

[Mga larawan sa pahina 22]

Sino si “Lazaro”?

Sino “ang taong mayaman” na nasa paghihirap?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share