Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 10/1 p. 8-9
  • Mga Pasabi Mula sa Langit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pasabi Mula sa Langit
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Mensahe Mula sa Langit
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Dalawang Mensahe Mula sa Diyos
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Nagkaanak si Elisabet
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Pinarangalan Na Bago Pa Siya Isilang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 10/1 p. 8-9

Buhay at Ministeryo ni Jesus

Mga Pasabi Mula sa Langit

ANG buong Bibliya ay isang pasabi buhat sa langit, yamang ito’y inilaan ng ating makalangit na Ama para sa ikatututo natin. Datapuwat, dalawang natatanging pasabi ang inihatid mga 2,000 taon na ngayon ang nakaraan ng isang anghel na “nakatayo malapit sa harap ng Diyos.” Ang kaniyang pangalan ay Gabriel. Suriin natin ang mga pangyayari ng dalawang mahalagang mga pagdalaw na ito sa lupa.

Ang taon noon ay 3 B.C.E. Sa mga kabundukan ng Juda, marahil hindi kalayuan sa Jerusalem, nakatira ang isang saserdote ni Jehova na nagngangalang Zacarias. Siya’y matanda na, at pati ang kaniyang asawang si Elisabet. Sila’y walang anak. Si Zacarias noon ay nagsisilbi ayon sa kaniyang turno bilang saserdote sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Biglang-biglang lumitaw si Gabriel sa may kanan ng dambana ng insenso.

Ganiyan na lang ang takot ni Zacarias. Subalit inalo siya ni Gabriel at ang sabi nito sa kaniya: ‘Narinig ng Diyos ang iyong mga panalangin. Si Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at tatawagin mo na Juan ang kaniyang pangalan. Siya’y maghahanda para kay Jehova ng isang inihandang bayan.’ Subalit halos hindi makapaniwala si Zacarias. Para bang imposibleng-imposible na, sa kanilang edad, siya at si Elisabet ay magkaroon pa ng anak. Kaya ang sabi ni Gabriel, ‘Dahilan sa hindi ka naniwala sa akin, hindi ka makapagsasalita hanggang sa mangyari ang mga bagay na ito.’

Bueno, samantala, ang mga tao sa labas ay nagtataka kung bakit napakatagal ni Zacarias sa loob ng templo. Nang sa wakas ay lumabas siya, hindi siya makapagsalita kundi sumisenyas lamang ng kaniyang mga kamay, at natalos nila na nakakita siya ng isang bagay na parang isang himala.

Pagkatapos na maganap na ni Zacarias ang kaniyang toka sa paglilingkod sa templo, siya’y umuwi. Hindi nagluwat ay nangyari ang bagay na iyon​—si Elisabet ay nagdalangtao! Habang kaniyang hinihintay na maisilang ang kaniyang anak, si Elisabet ay hindi lumalabas ng bahay nang may limang buwan.

Narito! Si Gabriel ay lumitaw uli. At sino naman ang kaniyang kinausap? Ang kinausap niya ay isang dalaga na nagngangalang Maria at tagabayan ng Nazaret. Anong pasabi ang kaniyang dala naman? Pakinggan! ‘Ikaw ay magdadalangtao at magkakaanak ng lalaki, at tatawagin mong Jesus ang kaniyang pangalan,’ ang sabi ni Gabriel. ‘Siya’y magiging isang dakilang hari, at ang kaniyang kaharian ay hindi kailanman magwawakas.’

Matitiyak natin na nadama ni Gabriel na isang pribilehiyo ang magdala ng mga pasabing ito. At habang patuloy na nagbabasa tayo tungkol kay Juan at kay Jesus sa hinaharap na mga labas ng magasing ito, lalong malinaw na makikita natin kung bakit ang mga pasabing ito na galing sa langit ay totoong mahalaga. 2 Timoteo 3:16; Lucas 1:5-33.

◆ Anong dalawang mahalagang pasabi ang inihatid galing sa langit?

◆ Sino ang naghatid ng mga pasabi, at kanino inihatid?

◆ Bakit ang mga pasabi ay totoong mahirap na paniwalaan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share