“Mga Tampok sa Bibliya” Upang Magbigay ng Higit na Kaunawaan
NANG ang mga Judio ay bumalik buhat sa pagkabihag ha Babilonya noong ikaanim na siglo B.C.E., responsableng mga lalaki sa kanila ang “nagpisan-pisang sama-sama kay Ezra na tagakopya, upang magkaroon ng unawa sa mga salita ng kautusan.” Ano ang resulta ng kanilang sumulong na pagkaunawa? Aba, ang bayan ay gumanap ng isang pambihirang Kapistahan ng mga Kubol taglay ang “di-kawasang kagalakan”!—Nehemias 8:13-18.
Gaya ng ipinakikita ng halimbawang iyan, ang pagtatamo ng unawa sa Kasulatan ay may napakainam na epekto sa bayan ng Diyos. Kaya naman sa mga labas ng Enero 15, Pebrero 15, at Marso 15, 1986, Ang Bantayan ay maglalathala ng isang pitak na pinamagatang “Mga Tampok sa Bibliya.” Sa pamamagitan ng mga artikulong ito ang aming mga mambabasa ay magkakaroon ng lalong malawak na pagkaunawa sa mga aklat ng Bibliya na Ezra, Nehemias, at Esther.
Sa pamamagitan ng mga araling ito ay matutulungan tayo na tuwirang madama ang kapana-panabik na mga pangyayari na may kaugnayan sa pagsasauli ng tunay na pagsamba sa Jerusalem, sa pagtatayo ng templo ni Jehova roon, at sa pagliligtas sa bayan ng Diyos sa gitna ng pagsalakay ng kaaway. Oo, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat na ito ayon sa iminumungkahi sa “Mga Tampok sa Bibliya,” ang mga Saksi ni Jehova at ang kanilang mga kasamahan ay makikinabang na lalo pagka tinalakay na ang ganoon ding bahagi ng Kasulatan sa lingguhang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Isa pa, ang mga kapatid na lalaki na naatasan na magpahayag tungkol sa “Mga Tampok sa Pagbabasa ng Bibliya” sa palatuntunan ng paaralan ay tutulungan nang husto ng pitak na “Mga Tampok sa Bibliya” sa pagsagot sa mga tanong buhat sa Kasulatan at sa pagtalakay nito tungkol sa mga aral para sa atin.—Roma 15:4.
[Chart sa pahina 7]
Mga Haring Persiano na Binanggit sa Ezra, Nehemias, at Esther
Paghahari Pangalan sa Pangalan sa Pagkatukoy
(B.C.E.) Daigdig Bibliya sa Bibliya
c. 550-529 Ciro na Dakila Ciro Ezra 1:1; 4:5
529-522 Cambyses II Assuero Ezra 4:6
522 (8 buwan) Gaumata (Smerdis) Artajerjes Ezra 4:7-23
486-474 Xerxes I Assuero Aklat ni Esther