Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 5/1 p. 8-9
  • Bumalik Na Uli sa Capernaum

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bumalik Na Uli sa Capernaum
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Bumalik na Uli sa Capernaum
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • “Pinatatawad Na ang mga Kasalanan Mo”
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kung Bakit Nagkakasakit ang mga Tao
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Paggawa ng Mabuti Kung Sabbath
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 5/1 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Bumalik Na Uli sa Capernaum

NGAYON ay napatanyag na si Jesus, at maraming tao ang naglakbay upang pumaroon sa kaniyang kinaruroonang mga liblib na lugar. Datapuwat, pagkalipas ng mga ilang araw ay bumalik siya sa Capernaum malapit sa Dagat ng Galilea. Agad na kumalat ang balita sa lunsod na siya ay bumalik na uli, at marami ang dumalaw sa bahay na tinutuluyan niya. Ang mga Fariseo at mga guro ng Kautusan ay nanggaling buhat sa sinlayo ng Jerusalem.

Ganiyan na lang karami ang tao na anupa’t wala nang madaanan sa may pintuan, at sa loob naman ay wala nang lugar para sa kaninuman. Talagang noon ay handa na ang lahat para sa isang pambihirang pangyayari. Ang nangyari sa mga sandaling ito ay napakamahalaga, sapagkat dito’y nakikita natin na si Jesus ay may kapangyarihan na alisin ang pinagmumulan ng kahirapan ng tao at ibalik ang kalusugan sa lahat ng magalingin niya.

Samantalang si Jesus ay nagtuturo sa karamihan, apat na lalaki ang nagdala sa bahay na iyon ng isang paralitiko na nasa isang higaan. Ibig nilang ang kanilang kaibigan ay pagalingin ni Jesus, ngunit dahilan sa karamihan ng tao ay hindi sila makapasok. Tunay na nakasisira ng loob! Ngunit hindi sila umurong. Umakyat sila sa patag na bubong, kanilang binutasan iyon sa pamamagitan ng pag-aalis sa tisa, at ang kinahihigaan ng lumpo ay kanilang ibinaba roon sa tabing-tabi ni Jesus.

Nagalit ba si Jesus dahilan sa ginawang iyon? Hindi! Sa halip, siya’y totoong humanga sa kanilang pananampalataya. Sinabi niya sa lumpo: “Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad.” Subalit talaga kayang makapagpapatawad ng mga kasalanan si Jesus? Hindi ganoon ang iniisip ng mga eskriba at mga Fariseo. Kaya’t sila’y nangatuwiran sa kanilang puso: “Sino ba ang makapagpapatawad sa mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?”

Palibhasa’y alam ni Jesus ang kanilang iniisip, sinabi niya sa kanila: “Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa lumpo, ‘Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad,’ o ang sabihin, ‘Tumindig ka at buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka’?” Hindi na hinintay ni Jesus ang sagot, kundi sinabi niya sa lumpo: “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na.” At ganoon nga ang ginawa niya kaagad, lumakad na bitbit ang kaniyang higaan sa harap nilang lahat! Manghang-mangha ang mga tao na bumulalas: “Ngayon lamang kami nakakita ng ganito”!

Napansin mo ba na binanggit ni Jesus ang mga kasalanan may kaugnayan sa sakit at na ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay may kaugnayan sa pagtatamo ng kalusugan? Sang-ayon sa Bibliya ang ating unang magulang na si Adan ay nagkasala at tayong lahat ay nagmana ng mga bunga ng kasalanang iyon, ang sakit at kamatayan. Subalit sa ilalim ng paghahari ng Kaharian ng Diyos, patatawarin ni Jesus ang kasalanan ng lahat ng umiibig at naglilingkod sa Diyos, at kung magkagayon lahat ng sakit ay mawawala na. Anong pagkainam-inam niyan! Marcos 2:1-12; Lucas 5:17-26; Mateo 9:1-8; Roma 5:12, 17-19.

◆ Ano ba ang pinangyarihan ng isang tunay na pambihirang himala?

◆ Paano nakarating kay Jesus ang lumpo?

◆ Bakit tayong lahat ay may kasalanan, ngunit paano nagbigay si Jesus ng pag-asa na ang kapatawaran ng ating mga kasalanan at ang pagsasauli sa sakdal na kalusugan ay maaaring mangyari?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share