Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 11/15 p. 3-4
  • Ang Sulat-Kamay sa Pader—Nakikita Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Sulat-Kamay sa Pader—Nakikita Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Buhat sa Tugatog ng Kapangyarihan
  • Lubos na Pagbagsak
  • May Mabilis na Katuparan
  • Isang Pagkapuksa na Biglang-bigla Rin
  • Apat na Salitang Bumago sa Daigdig
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Ang Sulat-Kamay sa Pader
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Mene
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 11/15 p. 3-4

Ang Sulat-Kamay sa Pader​—Nakikita Mo Ba?

“Buhat sa kaniyang sariling kamay nakikini-kinita ang kaniyang pagbagsak, . . .

Tulad ng sulat sa pader.”

SA PAMAMAGITAN ng mga salitang ito, ang manunulat Irlandes noong ika-18 siglo na si Jonathan Smith ay gumawa ng paglalarawan sa isang bangkero. Palibhasa’y ginipit siya ng mga kliyente na ibig bumawi ng kanilang salapi, nadama niya na malapit na noon ang kaniyang wakas. Sa loob ng daan-daang taon, ang ekspresyon na ‘sulat-kamay sa pader’ ay nagpahiwatig ng napipintong panganib.

Subalit ang orihinal na ‘sulat-kamay sa pader’ ay lumitaw mahigit na 2,500 taon na ngayon an nakalipas. At ang mabilis sa katuparan nito ay bumago sa lakad ng kasaysayan. Upang suriin pa ang pinagmulan ng ekspresyon na ‘ang sulat-kamay sa pader,’ tayo’y babaling sa Bibliya sa aklat ni Daniel. Tutulong ito sa atin na makita ang kahalagahan ng mga babala na nasa Kasulatan at dapat mag-udyok sa atin na makinig sa isang maselang na babala sa ating kaarawan.

Buhat sa Tugatog ng Kapangyarihan

Noon ay gabi ng Oktubre 5, 539 B.C.E. Ang mga taga-Babilonya ay nag-iinuman at nagsasayawan. Bagama’t ang mga kaaway na taga-Medo-Persia ay nasa pintuang-bayang niyaon, waring matibay naman ang lagay ng siyudad na iyon. Ang mga pader niyaon ay pagkatibay-tibay; kaya hayaang lahat doon ay magpakasawa. Aba, ang pagkakaingay sa pigingan ay marahil nagpapakilala sa mga kumukubkob na ang siyudad ay maaaring makaagwanta nang matagal na panahon!

Sa malawak na bulwagan ng kaniyang palasyo, at marahil ipinagmamalaki pa niya iyon, nagmasid si Haring Belshazar sa importanteng mga tao na kaniyang tinipon para sa okasyong iyon. Siya ay nag-utos sa kaniyang mga utusan na dalhin doon ang ginto at pilak na mga sisidlan na maraming taon bago noon ay kinuha sa templo ni Jehova sa Jerusalem ng kaniyang lolo, si Haring Nabukodonosor. ‘Buhat sa mga sisidlang ito tayo’y uminom ng alak sa kapurihan ng ating mga diyos!’ Marahil ay ganiyan ang naibulalas ni Belshazar.​—Daniel 5:1-4.

Lubos na Pagbagsak

Biglang-bigla, ang mukha ni Belshazar ay namutla dahil sa takot. Doon, sa harap ng kandelero malapit sa pader, lumitaw ang isang kamay at sumulat ng apat na simple ngunit mahiwagang mga salita. Kaya naman, ang musika at pagsasayawan ay huminto. Ang hari ay kinilabutan at nanginginig ang kaniyang mga tuhod. Ano kaya ang ibig sabihin ng palatandaang ito? Tawagin ang mga lalaking pantas at ang mga astrologo! Sinuman na makapagpaliwanag ng kahulugan ng mga sulat na ito ay pagkakalooban ng maraming karangalan.​—Daniel 5:5-7.

Lahat doon ay nininerbiyos at naghihintay na magsalita ang mga lalaking pantas. Subalit sila’y nagugulumihanan. Ano kaya ang malalim na kahulugan ng ‘sulat-kamay sa pader’? Walang sinumang mangahas na magpaliwanag, at lalo lamang nangilabot ang hari.​—Daniel 5:8, 9.

Nang marinig ng reyna kung ano ang nangyayari, siya’y pumasok sa bulwagan. Kaniyang ipinaalaala kay Belshazar na sa kaharian ay mayroong isang banyagang lalaking pantas na nagpatunay na magagawa niya iyon. Kaya naman, si Daniel ay tinawag. Lakas-loob na kaniyang ipinaalaala sa hari ang nangyari kay Nabukodonosor kung ilang mga taon na noon ang nakalipas. Pagkatapos, sinabi ni Daniel kay Belshazar kung ano ang mangyayari sa kaniya, at ang sabi:

“Ganito ang isinulat: MENE, MENE, TEKEL at PARSIN.

“Ito ang kahulugan ng salita: MENE, tinakdaan ng Diyos ng bilang ang mga araw ng iyong kaharian at niwakasan ito.

“TEKEL, ikaw ay tinimbang sa timbangan at nasumpungang kulang.

“PERES, ang kaharian mo ay pinaghati-hati at ibinigay sa mga taga-Media at mga taga-Persia.”​—Daniel 5:10-29.

May Mabilis na Katuparan

Si Belshazar ba ay kailangang maghintay nang matagal upang makita na tama ang mga sinalita ni Daniel? Tingnan natin kung ano ang susunod na nangyari at pag-aralan ang mga pangyayari na may higit na makasaysayang kahulugan.

Ang mga dayuhang taga-Medo-Persia ay naghuhukay noon ng mga kanal upang ang Ilog Euprates na umaagos nang lagusan sa siyudad ng Babilonya ay mailihis doon ang pag-agos. Si Haring Ciro ay naghintay sa gabing ito upang maisakatuparan ang kaniyang plano sa pag-asang ang mga taga-Babilonya ay magluluwag sa kanilang pagbabantay dahilan sa gumagabi na. Ngayon, ang mga kanal ay binuksan. Nang umurong nang husto ang tubig ng ilog, ang mga kawal ay dumagsa na sa pampang at lumusong na sa umurong na ilog.

Nang gabing ito, ang pintuang-bayan na nasa harap ng ilog ay naiwang bukás, marahil dahilan sa labis-labis na pagtitiwala. Ang hukbo ng mga taga-Medo-Persia ay nakapasok sa siyudad nang di-namamalayan. Isang pangkat ang nagtagumpay nang pagpasok sa palasyo ng hari, at si Belshazar ay nasawi. Ang dakilang imperyo ng Babilonya ay bumagsak.​—Daniel 5:30.

Isang Pagkapuksa na Biglang-bigla Rin

Ang wastong katuparan ng interpretasyon ni Daniel ay nagpapakita ng kaselangan ng mga babala ng Bibliya. Ang mga salita na isinulat ni apostol Pablo noong may bandang huli na ang nagpapakita na mayroong iba pang biglaan at mahalagang mga pangyayari na darating. Sa kaniyang unang kinasihang liham sa mga Kristiyano sa Tesalonica, siya’y sumulat: “Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ saka naman ang biglaang pagkapuksa [buhat sa Diyos] ay biglang-biglang darating sa kanila gaya ng pagdaramdam sa panganganak ng babaing nagdadalangtao; at sila’y hindi makatatakas sa anumang paraan.”​—1 Tesalonica 5:3.

Gaya ni Daniel at ng mga Judio na nangaligtas nang bumagsak ang Babilonya, ganoon din na posible na may makaligtas sa dumarating na pagkapuksa buhat sa kamay ng Diyos. Sa paano? Sa pamamagitan ng pananatiling gising sa espirituwal at sa gayo’y pagtatamasa ng proteksiyon ni Jehova. “Ngunit kayo, mga kapatid, kayo’y wala sa kadiliman, upang sa araw na iyon ay datnan kayong gaya ng pagdating ng magnanakaw,” ang sabi ni Pablo.​—1 Tesalonica 5:4.

Ang tinutukoy ni Pablo ay ang “araw ni Jehova,” na isang panahon ng pakikialam ng Diyos sa mga pamamalakad ng tao sa pamamagitan ng Mesiyanikong Kaharian ng Diyos. (1 Tesalonica 5:2) Kailan natin aasahan na darating itong ‘sulat-kamay sa pader’ na ito​—na tanda na nagbibigay-babala sa atin ng ganitong pakikialam? Isang naunang hula, na nasusulat sa Daniel kabanata 2, ang sumasagot sa ating tanong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share