Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 1/1 p. 3
  • Ihayag ang Kalayaan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ihayag ang Kalayaan!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Paglaya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinalaya Ka ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ang “Statue of Liberty”—Isang Natupad na Pangako?
    Gumising!—1986
  • Ang Jubileo ni Jehova—Panahon Upang Tayo’y Magalak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 1/1 p. 3

Ihayag ang Kalayaan!

ANG IKALIMANG BILYONG tao sa lupa ay isinilang daw noong Hulyo 7, 1986. Anong kinabukasan ang nakaharap sa ikalimang bilyong taong ito, at pati sa lahat ng tao? Mayroon bang posibilidad na bilyun-bilyong mga tao ang balang araw ay magtatamasa ng tunay na kalayaan? May pagtitiwala na sinasabi nating oo. Subalit ano ba ang dapat nating maunawaan tungkol sa “kalayaan”? Ito ba’y nangangahulugan ng kalayaan na gumawa ng anumang maiibigan ng isang tao? Hindi, sapagkat gaya ng isinulat ng nobelistang Ingles noong ika-19 siglo na si Charles Kingsley: “Mayroong dalawang kalayaan, ang di-tunay na kung saan ang isang tao ay malaya na gawin ang ibig niya, at ang tunay na kung saan siya ay malaya na gawin ang nararapat niyang gawin.”

Ang tao ay magtatamo ng tunay na kalayaan tangi lamang sa paggawa ng “nararapat na gawin niya.” At ano ba ang nararapat na gawin niya? Nang si Jesus ay narito sa lupa, basta sinabi niya na mayroong dalawang dakilang utos​—ang una, ibigin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas, at ang pangalawa, ibigin ang kapuwa na gaya ng sarili. (Marcos 12:29-31) Ang tunay na kalayaan ay nakakamit tangi lamang ng mga tao na nagpapakita ng gayong tunay na pag-ibig​—pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa-tao.​—Juan 8:31, 32.

Makikita ba sa daigdig ngayon ang ganiyang uri ng pag-ibig? Nakalulungkot sabihin, hindi. Kung walang pag-ibig, ang maling uri ng kalayaan ang iiral. Ito’y may diwang mapag-imbot at malasarili. Ginigiit nito na ‘gawin ang sariling gusto,’ na hindi isinasaalang-alang ang Diyos o ang kapuwa. Ang espiritung ito ay hindi lamang makikita sa mga indibiduwal kundi pati sa mga pamayanan, mga lahi, at mga bansa. Samantalang umiiral ang saloobin na ako-muna, ang pundasyon para sa anumang kalayaan, anumang kapayapaan, anumang kaligayahan sa lupang ito, ay mabuway. Alalahanin, sinabi ni Jesus, “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” Ang gayong pag-ibig sa kapuwa ay kailangan sa pagtatamo ng tunay na kalayaan.

Ang organisasyon ng Nagkakaisang mga Bansa ay binuo upang palayain ang sangkatauhan pagka ang digmaan ay hinalinhan ng “kapayapaan at katiwasayan.” Sa ika-40 anibersaryo nito, ang 1986 ay ipinahayag ng UN bilang ang Internasyonal na Taon ng Kapayapaan. Ngunit ang resulta ba nito ay isang pagpapahayag ng kalayaan na may garantiya ng kapayapaan? Ang nakapanliliit bang gastos sa mga armas (umaabot na ngayon sa mahigit na $1,000 bilyong isang taon) ay nasugpo? Kumaunti ba ang terorismo at ang mga pambubomba ng sasakyan? Ang mga patayan ba ng dahil sa relihiyon sa Hilagang Ireland, sa Gitnang Silangan, at sa Asia ay nagbawa? Ang mga pinuno ng relihiyon ay lumalahok sa pulitika at malimit na nangungusap tungkol sa kapayapaan. Subalit ang kalapati ng tunay na kapayapaan ay lumipad nang lampas sa naaabot ng UN at ng mga relihiyon ng daigdig.

Mayroon bang grupo sa ngayon na nagtakwil na sa mararahas na ako-muna na mga pamamaraan ng sanlibutan? Oo, mayroon! Ang inihulang “Prinsipe ng Kapayapaan,” si Jesu-Kristo, ang tumitipon sa mga umiibig sa kapayapaan buhat sa lahat ng mga tribo, wika, bayan, at bansa. (Isaias 2:3, 4; 9:6, 7; Apocalipsis 5:9; 7:9) Ikinagagalak nila na halos lilipulin na lamang ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo ang lahat ng kabalakyutan at magdadala ng isang pambuong-lupang paraiso ng kapayapaan, na kung saan iiral ang tunay na kalayaan. Ang grupong ito ay kilala bilang mga Saksi ni Jehova. (Daniel 2:31-35, 44; Isaias 43:10, 12; 65:17-25) Ang mga Kristiyanong ito ay nagkakaisang nakikibahagi sa isang masayang pagbabalita na inilarawan ng mga iba’t ibang pitak ng Jubileo sa sinaunang Israel. Sa mahigit na 200 lupain sa buong globo, sila’y may kagalakang sumusunod sa iniutos ng Diyos: “Ihayag ang kalayaan sa lupain sa lahat ng tumatahan dito.” (Levitico 25:10) Iyo bang narinig at ginagawa ang sinasabi ng masayang proklamasyong iyan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share