Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 6/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Detalyadong Inihula ang Tungkol sa Mesiyas
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 6/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Nang nakabayubay sa tulos, si Jesus ay naghimutok: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Siya ba’y nagkulang ng pananampalataya, sa paniniwala na pinabayaan na siya ng Diyos?

Sa pagkabasa ng mga salitang ito sa Mateo 27:46 o Marcos 15:34, ang iba’y nanghinuha na nang nakaharap si Jesus sa isang masaklap na kamatayan, ang kaniyang pagtitiwala sa Diyos ay nanghina. Ang sabi naman ng iba ay na ito raw ang makataong pagtugon ni Jesus, na mauunawaang isang paghihimutok sa kawalang pag-asa ng isang taong laman at dugo na nasa matinding paghihirap. Mayroon ngang mabuting dahilan na tumanaw sa kabila pa ng gayong mga intindi ng tao salig sa pang-ibabaw na hitsura. Bagama’t wala sa atin ngayon ang maaaring makaalam nang may kasiguruhan tungkol sa lahat ng nasasangkot sa paghihimutok ni Jesus na binanggit na, mapapansin natin na malamang na may dalawang motibo.

Alam na alam ni Jesus na siya’y “paparoon sa Jerusalem at magdaranas ng maraming bagay . . . , at papatayin, at sa ikatlong araw ay bubuhaying muli.” (Mateo 16:21) Nang siya’y nasa langit ay nasaksihan ng Anak ng Diyos na maging ang di-sakdal na mga tao ay dumanas ng masaklap na kamatayan samantalang nananatili sa kanilang katapatan. (Hebreo 11:36-38) Kaya walang dahilan na maniwala na si Jesus​—isang sakdal na tao​—​ay pangingibabawan ng takot dahil sa kaniyang kinakaharap; ang kamatayan sa tulos ay hindi rin naman magpapahiwatig sa kaniya na siya’y itinakwil ng kaniyang Ama. Patiunang alam na ni Jesus kung “anong uri ng kamatayan ang mga ilang saglit pa’y daranasin niya,” samakatuwid nga, siya’y ibabayubay hanggang sa mamatay. (Juan 12:32, 33) Tiyak din naman niya na sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli. Kung gayon, paano nga masasabi ni Jesus na siya’y pinabayaan ng Diyos?

Una, maaaring ang ibig niyang sabihin at ayon sa kuwalipikadong diwa ay na binawi ni Jehova ang proteksiyon sa kaniyang Anak upang ang katapatan ni Jesus ay masubok hanggang sa sukdulan, sa isang masaklap at kahiya-hiyang kamatayan. Subalit ang pagpapaubaya ng Diyos na mapahantad si Jesus sa poot ng mga kaaway na pinamunuan ni Satanas ay hindi nagpapakita na siya’y lubusang pinabayaan. Si Jehova ay patuloy na nagpakita ng pagmamahal kay Jesus, gaya ng pinatunayan noong ikatlong araw nang Kaniyang buhayin ang kaniyang Anak, na alam ni Jesus na magaganap.​—Gawa 2:31-36; 10:40; 17:31.

May kaugnayan sa binanggit na ay malamang ang ikalawang dahilan ng gayong paghihimutok ni Jesus samantalang nakabayubay sa tulos, na sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ito kaniyang matutupad ang isang hula tungkol sa Mesiyas. Mga ilang oras ang aga ay sinabi ni Jesus sa mga apostol na ang mga bagay ay magaganap “ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.” (Mateo 26:24; Marcos 14:21) Oo, ang nais niya’y tupdin ang mga bagay na nasulat, kasali na ang mga bagay sa Awit 22. Marahil ay masusumpungan mo na nagbibigay-liwanag ang paghahambing ng Awit 22:7, 8​—sa Mateo 27:39, 43; ng Awit 22:15​—sa Juan 19:28, 29; ng Awit 22:16​—sa Marcos 15:25 at Juan 20:27; ng Awit 22:18​—sa Mateo 27:35. Ang Awit 22, na nagbibigay ng maraming hula tungkol sa mga karanasan ng Mesiyas, ay nagsisimula: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako iniwan?” Samakatuwid, nang maghimutok si Jesus ng gayon, kaniyang idinaragdag sa rekord ng mga hula yaong kaniyang tinupad.​—Lucas 24:44.

Ang salmista ay hindi naniwala na siya’y itinakwil o abandonado ng kaniyang Diyos, sapagkat si David ay nagpatuloy na nagsabi na kaniyang ‘ihahayag ang pangalan ng Diyos sa kaniyang mga kapatid,’ at kaniyang hinimok ang mga iba na pumuri kay Jehova. (Awit 22:22, 23) Sa katulad na paraan, si Jesus, na may malaking kaalaman sa Awit 22, ay may dahilan din naman na magtiwalang ang kaniyang Ama ay nalulugod pa rin sa kaniya at umiibig sa kaniya, sa kabila ng ipinahintulot ng Diyos na maranasan niya sa tulos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share