Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/1 p. 30-31
  • Sa New Zealand—Isang Araw na Hindi Malilimot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sa New Zealand—Isang Araw na Hindi Malilimot
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Kristiyanong Kapatiran
  • Mga Pundasyon na Inilatag ng Tapat na mga Saksi
  • Ang Pagpapala ni Jehova
  • Mga Tampok na Pangyayari sa Nakaraang Taon
    2002 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Tampok na mga Pangyayari Noong Nakaraang Taon
    2004 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Ang Kauna-unahan sa Nakalipas na Isang Daang Taon
    Gumising!—2000
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/1 p. 30-31

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Sa New Zealand​—Isang Araw na Hindi Malilimot

“KAMI’Y talagang galak na galak na makapiling kayo. Hindi namin malilimutan kailanman ito!”

“Sa lahat ng aking pakikisalamuhang teokratiko, noon lamang ako nakaranas ng katulad nito.”

“Wari ngang kami ay nagtatamasa na ng isang maghapon sa bagong sistema ng mga bagay.”

Ito ang ilan sa mga komento ng mga delegado sa programa ng pag-aalay ng tanggapang sangay ng Watch Tower Bible and Tract Society sa New Zealand, noong Nobyembre 29, 1986. Bakit nga ba galak na galak ang mga taong ito? Sapagkat tunay na isang araw iyon na di-malilimot. Hayaan ninyong bahaginan namin kayo ng ilan sa mga dahilan kung bakit.

Una, ang magagandang pasilidad na inialay ang dahilan kung bakit ang araw ay di-malilimot. Si John E. Barr, ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, ang may sabi na ang bagong katatayong Kingdom Hall at ang kaugnay na mga pasilidad ng sangay ay “maganda, elegante, kaakit-akit . . . Sa natapos na trabaho ay mababanaag ang napakaingat na atensiyon na ibinigay sa mga detalye, sa kagandahan. Lahat ay waring nagkakabagay-bagay.”

Isang Kristiyanong Kapatiran

At, hindi malilimot na makitang sama-sama ang napakaraming mga old-timer, mga Saksi na naglilingkod na kay Jehova nang may katapatan sa loob ng maraming-maraming taon. Ang totoo, ang mga ito ang karamihan na bumubuo ng 658 inanyayahang mga panauhin. Nang kanilang makatagpo ang mga dating kaibigan, mga hindi nila nakita ng maraming mga taon, sila’y nakadama ng gaya ni Pablo, nang, pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay, kaniyang nakatagpo ang mga kapatid buhat sa Roma: “Nang makita [ang kaniyang mga kapatid], si Pablo ay nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang loob.” (Gawa 28:15) Ang pagkasaksi sa gayong mga halimbawa ng nananatiling katapatan​—ang iba’y naroroon sa kabila ng pagkamasasakitin​—​ay isang pinagmumulan ng lakas ng loob at pagkilala ng utang na loob.

Ang araw na iyon ay hindi rin naman malilimot dahil sa umiral na mainit na pagkakapatiran na pambuong daigdig. Ang mga Saksi ni Jehova ay bahagi ng isang pambuong-lupang pagkakapatiran, at ito’y pinatunayan ng mga panauhin na nanggaling sa sinlayo ng Australia, ng Estados Unidos, Canada, Britaniya, at Taiwan, at gayundin buhat sa Papua New Guinea, Samoa, at iba pang mga isla ng Timog Pasipiko. Tumanggap ng telegrama buhat sa marami na hindi makadadalo nang personal, kasali na ang mga pagbati buhat sa Lupong Tagapamahala, sa mga miyembro ng pamilyang Bethel sa Brooklyn, at sa ika-82 klase ng paaralang misyonero ng Gilead. Oo, iyon ay nagpapalakas pananampalataya na makita ang interes ng napakaraming mga kapatid sa napakaraming lupain sa pag-aalay ng mga pasilidad ng sangay sa New Zealand.

Mga Pundasyon na Inilatag ng Tapat na mga Saksi

Ang mapaalalahanan tungkol sa mahabang kasaysayan ng pangangaral sa New Zealand na humantong sa pagtatayo ng pinakahuling mga pasilidad na ito ng sangay ay totoong nakagagalak at ang araw na yao’y di-malilimot. (Ihambing ang Hebreo 10:32.) Gaya ng sabi ng isa sa mga tagapagpahayag: “Singhalaga ng pisikal na mga pundasyon ng magandang bagong Bethel complex ay, ang lalong mahahalaga ay ang makasagisag na mga pundasyon na inilatag ng tapat, nagsakripisyo-sa-sariling mga kapatid kung tayo’y babalik sa mismong pasimula ng siglong ito.”

Ito’y sinundan ng isang pakikipanayam sa 11 tapat na mga lalaki at mga babae na may kabuuang bilang na 680 taon ng paglilingkod bilang mga nag-alay. Kanilang inilahad ang tungkol sa isa sa pinakamaaagang kombensiyon sa New Zealand, noong 1913. Kanilang nagunita ang kahirapan ng pagpapayunir sa South Island noong 1930’s, ang mga suliranin noong mga taon ng Digmaang Pandaigdig II nang ang organisasyon ay ipagbawal, ang pagtatayo ng sangay sa New Zealand noong 1947, ang pagdating ng mga unang misyonero ng Gilead, at ang pagtatayo ng unang Kingdom Hall sa bansa noong 1950. Ang karaniwang damdamin ng mga kinapanayam ay: “Anong laki ng aming pasasalamat at kami ay naririto at aming nakikita ang ebidensiya ng isang pagsulong na, noong mga unang araw, hindi namin naguguniguni na mangyayari!”

Ang Pagpapala ni Jehova

Marahil ang pangunahing bagay na dahilan kung bakit hindi malilimot ang araw na iyon ay yaong pagkaalam na ang pagpapala ni Jehova ang pumatnubay sa gawaing pagtatayo at natapos iyon. Angkop naman, isang bahagi ng programa sa araw na iyon ay pinamagatang: “Ang Magandang Kamay ng Ating Diyos na Sumasa-Atin.”​—Nehemias 2:8.

Ang magandang kamay ni Jehova ay nakita sa pagtutulungan at kooperasyon ng lokal na mga mangangalakal at mga awtoridad, gayundin sa mga katangiang Kristiyano na ipinakita ng mga manggagawa mismo sa pinagtayuang iyon. Isang mangangalakal, na dumadalaw noon sa lugar ng konstruksiyon, ang nagsabi: “Kailanman ay hindi ko naranasan saanman ang damdamin ng kapayapaan at katahimikan na naranasan ko rito.”

Ang pagpapala ni Jehova ay nakita sa kagandahang-loob ng karaniwang mga Saksi sa bansang iyon na sumuporta sa proyekto sa pamamagitan ng kanilang pananalapi. Ito’y napansin din naman sa pagkukusa ng mga taong naghandog ng kanilang sarili ng aktuwal na pagtatrabaho. Lahat-lahat, 1,237 ang sumulat ng mga aplikasyon sa pagbuboluntaryo ng kanilang paglilingkod, ang iba’y naparoon sa lugar na iyon galing sa malalayong lupain at sa kanilang sariling gastos upang gumugol ng mga ilang linggo o mga buwan sa pagtulong sa konstruksiyon. Ang sabi ng isang kapatid: “Ang pagtulong sa konstruksiyon ay isang pambihirang karanasan ko sa aking buhay.”

Gaya ng binanggit ni Brother Barr sa pahayag ng dedikasyon, ang bagong mga pasilidad ng sangay ay dapat malasin bilang “isang panlabas, nahihipong ebidensiya ng Mesianikong Kaharian ng Diyos na ngayo’y natatatag na.” Oo, ito’y tunay na isang araw na di-malilimot para sa New Zealand. Sa katapusan, lahat ng dumalo ay taos-pusong tumugon sa isang resolusyon na nangangako ng “buong pagsuporta sa organisasyon ni Jehova na kinakatawan ng ating sangay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share