Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 10/15 p. 30-31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Malaking Bato
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Hukom na Matatag sa Kung Ano ang Tama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kanino Nakatingin ang Iyong mga Mata?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Hinampas ni Moises ang Bato
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 10/15 p. 30-31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Ano ang naging pagkakamali ni Moises kung kaya’t naalisan siya ng pribilehiyong makapasok sa Lupang Pangako? Iyon ba ay dahilan sa hinampas niya ang bato sa halip na magsalita lamang doon o dahil sa hindi niya niluwalhati ang Diyos na Jehova?

Wari nga na ang pagkakamali ni Moises ay hindi lamang sa bagay na kaniyang pinalo ang bato sa halip na kausapin niya iyon, gaya ng iniutos ng Diyos.

Nang malapit sa katapusan ng 40 taon ng kanilang paggala, ang mga Israelita ay nagkampamento sa Kadesh-barnea sa iláng ng Zin (o, Paran). Sila’y nagkampamento na roon marami nang taon ang nakalipas, dahilan marahil sa may tatlong bukal doon sa lugar na iyon na anupa’t nagkaroon doon ng luntiang halamanan, gaya ng makikita sa kasamang larawan. Subalit, nang pagkakataong ito, dahop ang tubig doon, na marahil siyang dahilan kung bakit hindi gaanong maraming pagkain ang nasumpungan doon ng mga tao. Kaya’t kanilang inaway si Moises, ang kinatawan ni Jehova, at ang sabi nila: “Bakit ninyo kami inilabas sa Ehipto upang dalhin lamang kami sa masamang dakong ito? Hindi ito dakong bukirin at ng igos at ng ubasan at ng mga granada, at ni walang tubig na maiinom.”​—Bilang 20:5.

Nang sabihin ng Diyos kay Moises at kay Aaron: “Hawakan mo ang tungkod at pisanin mo ang kapulungan, . . . at kayo’y magsalita sa bato sa harap ng kanilang mga mata upang magbigay iyon ng tubig; at ikuha mo sila ng tubig sa bato at ibigay mo sa kapulungan at sa kanilang mga hayop upang mainom.” (Bilang 20:8) Ano ang nangyari pagkatapos?

“Ang kongregasyon ay pinisan ni Moises at ni Aaron sa harap ng bato, at siya’y nagpatuloy na nagsabi sa kanila: ‘Makinig kayo, ngayon, kayong mga rebelde! Sa bato bang ito ikukuha namin kayo ng tubig?’ At kasabay nito’y itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at makalawang hinampas ang bato ng kaniyang tungkod; at lumabas ang saganang tubig.”​—Bilang 20:10, 11.

Sinasabi ng iba na iniutos daw ng Diyos kay Moises at kay Aaron na “magsalita sa bato,” ngunit kanilang “hinampas ang bato.” Ang ganito bang pagkakaiba ang nagpagalit kay Jehova kung kaya’t sinabi niya kay Moises at kay Aaron na hindi Niya tutulutang pangunahan nila ang Israel sa pagpasok sa Lupang Pangako?

Parang hindi ganiyan ang nangyari. Sa katunayan mga buwan lamang ang nakalipas pagkatapos ng Exodo, nagsimula nang inireklamo ng bayan ang kakulangan ng tubig. Ito’y malapit sa Bundok Sinai (Horeb), at iyo’y sa isang lugar na tinawag na Meribah (sa lugar na makikita sa ibaba). Pansinin na sinabi ng Diyos kay Moises nang okasyong iyon: “Ako’y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb. At iyong papaluin ang bato, at lalabasan iyon ng tubig, at iinumin iyon ng mga tao.” (Exodo 17:2-7; 33:6) Kaya’t nang sila’y nasa Kadesh, at si Moises ay sinabihan na magsalita sa bato, baka iniisip niya na gawin ang noong una’y ginawa niya ayon sa iniutos ng Diyos, kahit na kung ibig ipakahulugan ng Diyos na ang pagsasalita sa bato ay sapat na.

Wari ngang may higit pang bagay na umakay sa Diyos upang hatulan si Moises at si Aaron. Ano kaya iyon? Sinabi ni Moises sa palaaway na mga tao: “Sa bato bang ito ikukuha namin kayo ng tubig?” Ang Awit 106:33 ay nagbibigay sa atin ng pang-unawa rito, sapagkat ipinakikita nito na si Moises ay kumilos udyok ng espiritu ng kapaitan at siya’y ‘nagsalita nang padalus-dalos sa kaniyang mga labi.’ Sa galít na pananalita, itinawag-pansin niya ang kaniyang sarili at si Aaron imbis na itawag-pansin ang Isa na talagang makahimalang nagbigay ng tubig. Kaya naman, mga ilang saglit bago mamatay si Moises sa hangganan ng Lupang Pangako, binanggit ng Diyos ang nangyari sa Kadesh-barnea at ipinakita na ang pagkakamali ni Moises ay ang hindi niya ‘pag-aaring banal sa Diyos sa harap ng mga mata ng bayan.’​—Bilang 27:12-14.

Mayroon tayong aral na matututuhan dito. Bagama’t tunay na mahalagang pigilin natin ang ating sarili sa pagkilos nang galít, mahalaga rin naman na pigilin natin ang ating kalooban, lalo na pagka ang iba’y nagkulang sa atin. Kung hahayaan nating tayo’y labis na maligalig, baka ang ang mga lingkod ng Diyos ay malasin natin na mga tao lamang, imbis na kilalaning sila’y “mga tupa” pa rin ng Diyos. Totoo, sila’y mga di-sakdal at marahil nakagagawa ng mga bagay na nakapagpapagalit, subalit sila’y “kaniyang bayan at mga tupa ng kaniyang pastulan.” (Awit 100:3) Tinulutan ng Diyos na mamatay ang kaniyang Anak alang-alang sa gayong mga tao, kaya hindi ba tayo dapat na magsumikap na maging matiisin sa kanila, na hindi gaanong inaalintana ang ating damdamin o kung paano tayo naaapektuhan kundi ang higit na tinitingnan ay ang kanilang katayuan sa harap ng Diyos?

[Mga larawan sa pahina 31]

Panahon ng tagsibol sa halamanan na nakapalibot sa isa sa mga bukal sa lugar ng Kadesh-barnea

[Credit Line]

Photos, pages 10, 31: Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share