Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 12/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Korban
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Manindigang Matatag Laban sa mga Pakana ni Satanas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Codex Sinaiticus—Ang Katapusan ng Ebanghelyo ni Marcos
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 12/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Maingat na pinag-isipan mo ba ang mga labas kamakailan ng Ang Bantayan? Kung gayon, marahil ay maaalaala mo pa ang mga sumusunod:

◻ Ano ba ang pinagmumulan ng tunay na kaligayahan?

Sabi ni Jesus: “Maligaya yaong nakikinig ng salita ng Diyos at yao’y ginaganap!” (Lucas 11:28) Sa gayo’y ipinakita ni Jesus na ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa pagiging isang tapat na lingkod ng Diyos at sa paggawa ng kaniyang kalooban.​—8/15, pahina 8.

◻ Ano ang isang paraan na sa tulong nito’y mapaglalabanan natin ang tuso at mapandayang mga pang-aakit ni Satanas?

Upang mapaglabanan si Satanas, kailangang suriin natin ang ating sarili. Tayo ba’y may kahinaan na maaaring samantalahin ni Satanas o sinasamantala na nga sa mismong sandaling ito? Halimbawa: Tayo ba ay may problema tungkol sa pagiging makaako? Kailangan bang tayo’y laging numero uno? Kung nakikilala natin ang ating sarili, kung gayon maaari nating malutas ang gayong mga problema, anupa’t kailangan lamang na tayo’y mapagpakumbaba. Sa ganitong paraan, hindi natin mabibigyan-daan si Satanas.​—9/1, pahina 15, 16.

◻ Ano ba ang makasagisag na tanda na inilalagay ng ating antitipikong ‘lalaking nakapanamit ng lino’ sa mga noo niyaong nagiging “mga ibang tupa” ni Kristo? (Ezekiel 9:2-4; Juan 10:16)

Ang “tanda” ang patotoo na ang tulad-tupang mga tao ay nag-alay, bautismadong mga indibiduwal na may tulad-Kristong personalidad.​—9/15, pahina 14.

◻ Ano ba ang ibig sabihin ni apostol Pedro nang kaniyang banggitin na tayo’y dapat “mag-ibigan nang buong ningas buhat sa puso”? (1 Pedro 1:22)

Ang “buong ningas” ay literal na nangangahulugang “banat na banat.” Upang ang gayong pag-ibig ay maipahayag sa gitna ng mga Kristiyano, kailangan ang pagsisikap at ang pagpapalawak ng pag-ibig na nasa ating mga puso upang makasali ang mga taong sa karaniwang paraan ay hindi nakaaakit sa atin.​—10/1, pahina 12.

◻ Ano ba ang templong tinutukoy sa Apocalipsis 11:1, at kailan iyon nagsimulang umiral?

Ito yaong dakilang espirituwal na templo, na kung saan ang banal ng mga banal ang siyang kinaroroonan ni Jehova sa langit. Ito’y nagsimulang umiral noong 29 C.E. nang si Jesus ay pahiran at nagsimulang maglingkod bilang mataas na saserdote. (Hebreo 3:1; 10:5)​—10/15, pahina 12.

◻ Ano ba ang Codex Sinaiticus, at gaano kahalaga ito?

Ang Codex Sinaiticus ay naglalaman ng buong Kristiyanong Griegong Kasulatan at isang salin sa Griego ng mga bahagi ng Kasulatang Hebreo. Ito’y di-kukulangin sa 1,600 taon ang edad, at isang mahalagang katnig ito sa ating katalogo ng mga manuskrito ng Bibliya.​—10/15, pahina 30, 31.

◻ Ano yaong nagdudulot ng pinakamalaking kaligayahan sa pag-aasawa?

Bawat isa sa mag-asawa ay kailangang tumiyak na ang Diyos ay sumasa-kanilang pagsasamang mag-asawa. Sa ganitong paraan, ang espirituwal na mga pangangailangan ay masasapatan, at titibay ang buklod ng pagsasamahan ng mag-asawa. (Eclesiastes 4:12; Mateo 5:3)​—11/1, pahina 16.

◻ Ano ba ang “kapayapaan ng Diyos” na tinutukoy ni apostol Pablo sa Filipos 4:7?

Ang kapayapaang ito ay isang bigay-Diyos na katahimikan at kawalang-tigatig, kahit na sa gitna ng pinakamahigpit na pagsubok. Ito’y bunga ng isang matalik na kaugnayan kay Jehova at ng matibay na paniniwala na ginagawa ng isang tao ang nakalulugod sa kaniyang paningin.​—11/1, pahina 30.

◻ Sa papaanong paraan nagiging isang sinasang-ayunan ni Jehova ang isang tao?

Sa pamamagitan ng pag-aalay at bautismo, posible para sa isang di-sakdal na tao na maging isang ‘taong may mabuting loob,’ o isang taong sinang-ayunan ng Diyos. (Lucas 2:14)​—11/15, pahina 11.

◻ Ano ang magagawa ng mga magulang upang tulungan ang kanilang nagkakamaling anak na menor-de-edad kahit na siya’y diskuwalipikado bilang isang di-bautismadong mamamahayag o siya ay tiwalag?

Kung paanong ang mga magulang ay patuloy na maglalaan ng pagkain, pananamit, at tirahan, ganoon din na kailangan siya’y turuan at lapatan ng disiplina na naaayon sa Salita ng Diyos. Sila’y maaaring makipag-aral sa kaniya na mag-isa o payagang siya’y makibahagi sa pag-aaral ng pamilya.​—11/15, pahina 20.

◻ Paanong dahil sa sali’t-saling sabi ng mga Judio ay nawalan ng kabuluhan ang utos ng Diyos na nasa Exodo 20:12 na nagsasabing dapat igalang ng mga anak ang kanilang mga magulang?

Maaaring maipangako ng isang tao ang kaniyang ari-arian upang sa bandang huli ay ibigay bilang donasyon sa templo sa pamamagitan ng pagpapahayag na iyon ay “corban,” na ang ibig sabihin, “isang kaloob na inialay sa Diyos.” (Marcos 7:11) Ang corban na ito ay maaaring gamitin pa rin ng taong iyon ukol sa kaniyang sariling kapakinabangan, ngunit iyon ay maipagkakait niya sa kaniyang mga magulang.​—12/1, pahina 4, 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share