Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 1/15 p. 30
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Hindi sa Paningin”
  • Maling Kaisipan
  • Isang Napakahalagang Pangangailangan
  • Shroud of Turin Ba ang Ipinambalot sa Bangkay ni Jesus?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Lambong ng Turin—Telang Pamburol ni Jesus?
    Gumising!—1998
  • Posible ba ang Pagkakaisang Kristiyano?
    Gumising!—1991
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 1/15 p. 30

Ang Kahulugan ng mga Balita

“Hindi sa Paningin”

Ang kamakailang mga pagsubok ng mga siyentipiko ang nagpatunay na ang Lambong ng Turin ay isang ika-14 na siglong panlilinlang. Gayunman, “Ang mga Katoliko ay hinimok na magpatuloy ng pagsamba sa lambong bilang isang larawan ng imahen ni Kristo, na makagagawa pa rin ng mga himala,” ayon sa pag-uulat ng The New York Times. Si Anastasio Ballestero, ang arsobispo ng Turin, ay nagsabi: “Ang pambihirang kapangyarihang makapukaw ng imahen ni Jesu-Kristo ay dapat na ingatan upang magpatuloy.”

Ano ba ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin ay bagaman inamin ng simbahan na ang napamarkang larawan ng katawan ng isang tao sa lambong ay hindi yaong kay Jesu-Kristo, ang tapat na mga Katoliko ay dapat pa ring patuloy ng pagkilala rito bilang mistulang si Kristo at sa gayu’y isang bagay na banal. Bakit? Ayon kay Adam Otterbein, isang paring Romanong Katoliko na siyang tagapag-ingat ng Holy Shroud Guild, ang mga relikyang katulad ng lambong na iyon ay tutulong sa mga mananampalataya na magparangal sa isa na siyang kinakatawan ng imahen.

Hindi katakataka na, sa kabila ng kakulangan ng katunayan, ang lambong ay mananatili pa ring isang mabisang sagisag ng pananampalataya para sa Iglesiya Katolika. “Ang mga rebulto, mga ipinintang larawan at mga imahen . . . ay binibigyan ng isang pinakukundanganang dako sa gawaing Katoliko,” ang sabi ng The New York Times.

Sinusuhayan ba ng Bibliya ang paggamit ng gayung mga imahen sa pagsamba? Hindi! Malinaw na nagsasabi ang Salita ng Diyos: “Tumakas buhat sa pagsamba sa idolo.” (1 Corinto 10:14; ihambing ang Exodo 20:4-6.) Ang mga Kristiyano ay pinapayuhan na sumamba sa Diyos “sa espiritu at katotohanan,” hindi sa tulong ng kung anong imahen o relikya. (Juan 4:24) Angkop naman, sumulat si Pablo na ang mga tunay na Kristiyano “ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.”​—2 Corinto 5:7.

Maling Kaisipan

Upang makasunod sa isang nakikitang kapusukan tungo sa pagluluwag ng mga pamantayan na nasa Bibliya sa gitna ng mga relihiyonista, “dumaraming mga teologo sa E.U. ang nangangatuwiran na ang mga relihiyon ay nangangailangan ng isang seksuwal na rebolusyon,” ayon sa pag-uulat ng Star Tribune. Ang pahayagang ito ng Minnesota ay bumanggit ng mga kurukuro ng mga tanyag na gaya baga ni John Spong, ang obispo ng Newark ukol sa Episcopal Church of America, at ni James Nelson, eksperto sa sexual ethics sa United Theological Seminary sa New Brighton. Sinasabi ng pahayagan na ang mga ito at ang iba pang mga teologo ay naniniwala na dapat na ang mga simbahan ay “magbasbas sa homoseksuwal na mga mag-asawa sa mga seremonya sa simbahan, na kinikilala ang kanilang panata sa isa’t isa sa isang ugnayang may pag-iibigan, at malinis; . . . handugan ang kabataang magkatipang mga adulto ng basbas ng simbahan kung sila’y namumuhay na may pag-ibig at nanata na magsasama, sa kabila ng hindi pagiging kasal”; at “bibigyan ng pagsang-ayon pagka ang maygulang na mga adulto ay seksuwal na aktibo sa responsableng mga paraan, bagaman hindi sila kasal sa isa’t isa.” Bakit nga ang mga teologong ito ay naniniwala na ang gayong mga pagbabago ay kinakailangan? Sinabi ni Spong na “aming ibinibigay ang aming pagsang-ayon sa handalapak na pamumuhay” kung ang gayong mga pagsasama ay hindi binabasbasan.

Gayunman, ang hindi napansin ni Spong at ng iba pa ay na ang mismong pagpapala sa gayong mga pagsasama ang nagtatatag ng pagsang-ayon ng mga simbahan sa gayong “handalapak na pamumuhay.” Malinaw ang Salita ng Diyos. “Kahit ang mga mapakiapid, . . . ni ang mga mangangalunya, . . . ni ang mga lalaking sumisiping sa mga kapuwa lalaki . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” Sa mga tagasunod ni Kristo ay hindi lamang iniutos na “huwag nang makisama” sa gayung mga tao kundi sila’y sinasabihan din na “alisin ang taong balakyot” sa gitna nila.​—1 Corinto 5:11, 13; 6:9-11.

Isang Napakahalagang Pangangailangan

Sa taóng ito, ang statistical report ng Free Church Federal Council ng Britanya ay nagsiwalat ng patuloy na pag-atras ng kaniyang 15 mga kasaping denominasyon. Sa unang pagkakataon, ang bilang ng mga miyembro ay bumaba hanggang sa wala pang isang milyon, ayon sa pag-uulat ng Church Times, isang pahayagan ng Church of England. Ang dahilan? Bagaman ang mga simbahan ay nagsasabi na sila’y may panata na kaugnay ng “lubhang karamihan . . . na ang pinakamahalagang pangangailangan ay ang pagkatubos,” binanggit ng artikulo na “ang mga Free Churches ay patuloy na gumugugol ng napakalaking panahon at lakas sa . . . kilusang sosyal.” Sang-ayon sa Church Times, kung ang mga Simbahan ay nasa pag-urong, hindi sapagkat ang kanilang taunang bazaar ay bigo o ang kanilang mga produksiyon sa dramatikong-lipunan ay hindi tinatangkilik: ang dahilan nito ay sapagkat hindi nila dinidibdib nang husto ang kanilang ministeryo ng pagtubos.”

Ang mga pinunong relihiyoso noong kaarawan ni Jesus ay hindi rin naman dumibdib nang husto sa kanilang ministeryo. May katuwiran si Jesus na pintasan sila sapagkat kanilang “niwalang kabuluhan ang salita ng Diyos” dahil sa kanilang mga sali’t-saling sabi. Sinabi niya na sila’y mga mapagpaimbabaw, na ‘pumupuri sa Diyos ng kanilang mga labi bagaman malayo sa kaniya ang kanilang mga puso.’​—Marcos 7:6, 7, 13.

Subalit, ang mga tunay na ministro ng Diyos na Jehova ay nakatalaga “sa ministeryo ng salita.” Kanilang dinidibdib ang utos ni Jesus na “gumawa ng mga alagad,” at sila’y tumutulad sa halimbawa ng mga apostol, na “nagpatuloy nang walang lubay sa pagtuturo at paghahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo.” Sa mga tunay na Kristiyano, ang gawaing ito ay pinakamahalaga.​—Gawa 5:42; 6:4; Mateo 28:19, 20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share