Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 11/15 p. 4-6
  • Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Sampung Utos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Sampung Utos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahulugan ng Sampung Utos Para sa Israel
  • Isang Itinuwid na Pangmalas
  • Kung Ano ang Kahulugan Nito Para sa Atin
  • Tayo Ba’y Nasa Ilalim ng Sampung Utos?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ano ang Sampung Utos ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Sabbath
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Dapat Mo Bang Sundin ang Sampung Utos?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 11/15 p. 4-6

Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Sampung Utos?

HINDI lumampas ang tatlong buwan pagkatapos na sila’y tubusin sa Ehipto noong 1513 B.C.E., ang mga Israelita ay nagkampamento sa harap ng Bundok Sinai sa ilang. Sa tawag ni Jehova, ang propetang si Moises ay umakyat sa bundok at narinig ang pangako ng Diyos na Kaniyang gagawing ang bansang Israel ay Kaniyang “natatanging pag-aari sa lahat ng iba pang mga bayan.” Pagkatapos ay inihatid ito ni Moises sa bayan sa pamamagitan ng nakatatandang mga lalaki ng bansa. “Pagkatapos lahat ng mamamayan ay nagkakaisang sumagot at nagsabi: ‘Lahat ng sinalita ni Jehova ay kusang gagawin namin.’”​—Exodo 19:1-8.

Pagkatapos, malinaw na sinabi ng Diyos kay Moises ang Sampung Utos, anupa’t ipinauna sa mga kautusang ito ang pananalitang: “Ako’y si Jehova na inyong Diyos, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng mga alipin.” (Exodo 20:2) Ang Dekalogong ito ay para sa mga Israelita, na sa kanila’y sinabi sa Unang Utos: “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Diyos sa harap ko.”​—Exodo 20:3.

Pagkatapos nito, si Jehova ay nagbigay kay Moises ng mga tagubilin tungkol sa iba pang banal na mga kautusan para sa Israel. (Exodo 20:4–23:19) Lahat-lahat ang mga ito’y umabot sa mga 600 kautusan. At anong laking kagalakan na malamang ang bansa’y pinangungunahan ng anghel ng Diyos upang maghanda ng daan nang sila’y patungo sa Lupang Pangako! (Exodo 23:20-22) Sinabi ni Jehova: “Sa harap ng buong bayan ay gagawa ako ng mga kababalaghan na kailanma’y hindi ginawa sa buong lupa o sa alinmang bansa; at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ni Jehova, sapagkat kakila-kilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.” Kapalit nito, ano naman ang hiniling ng Diyos sa kaniyang bayan? “Sa ganang iyo ay tuparin mo ang mga iniuutos ko sa iyo sa araw na ito.” Oo, ang pagsunod sa lahat ng mga kautusan at alituntunin ni Jehova ay isang mahigpit na utos.​—Exodo 34:10, 11.

Ang Kahulugan ng Sampung Utos Para sa Israel

Bilang bunga ng kanilang pagtakas buhat sa pagkaalipin sa Ehipto na doo’y iniligtas sila ng Diyos, nakilala ng mga Israelita ang pangalan ng Diyos ayon sa isang bagong kahulugan. Si Jehova ay naging kanilang Manunubos. (Exodo 6:2, 3) Kaya naman, ang ikatlong utos ay nagkaroon ng isang natatanging kahulugan para sa kanila, yamang sila’y binawalan na ang pangalan ng Diyos ay gamitin sa isang paraan na walang kabuluhan.​—Exodo 20:7.

Subalit kumusta naman ang ikaapat na utos, na may kaugnayan sa araw ng Sabbath? Ang utos na ito ay tungkol sa paggalang sa mga bagay na banal, gaya ng noong nakaraa’y ipinabatid ni Jehova nang kaniyang itatag ang “pangingilin ng sabbath” may kaugnayan sa pangunguha ng maná. (Exodo 16:22-26) Dahilan sa ang mga ibang Israelita ay hindi kaagad sumunod, malinaw na ipinaalaala sa kanila ni Jehova na kaniyang binigyan sila ng utos na iyon. “‘Tandaan ninyo na ibinigay sa inyo ni Jehova ang araw ng sabbath.’ . . . At ang bayan ay namahinga sa sabbath nang ikapitong araw.” (Exodo 16:29, 30) Nang malaunan, ipinakita ni Jehova na ang kaayusang ito’y natatangi lamang para sa isa, na ang sabi: “Ito’y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailanman.”​—Exodo 31:17.

Pagkatapos, isaalang-alang ang pambihirang ikasampung utos, na nagbabawal ng pag-iimbot sa pag-aari ng iba. Narito ang isang kautusan na hindi maipatutupad ng mga tao. Bawat Israelita ay may sagutin sa kaniyang Diyos, si Jehova, na sumasaliksik sa puso ng isang tao upang alamin ang kaniyang mga motibo.​—Exodo 20:17; 1 Samuel 16:7; Jeremias 17:10.

Isang Itinuwid na Pangmalas

Si Jesu-Kristo, na isinilang sa bansang Israel, ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang Kautusan o ang Mga Propeta. Ako’y naparito, hindi upang sirain, kundi upang ganapin.” (Mateo 5:17) Sa mga Kristiyanong Hebreo si apostol Pablo ay sumulat: “Ang Kautusan ay may anino ng mabubuting bagay na darating, ngunit hindi ang mismong katuparan ng mga bagay.” (Hebreo 10:1) Kung sakaling ikaw ay naging isang Hebreo na nakumberte sa pagka-Kristiyano, papaano mo kaya uunawain ang mga pananalitang ito? May mga nasa unang kongregasyong Kristiyano na naniniwalang lahat ng daan-daang kautusan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises, kasali na ang Sampung Utos, ay kumakapit pa rin. Subalit iyon kaya ang tamang pagkakilala?

Isaalang-alang ang mga salitang ito ni Pablo sa mga Judio na naging mga Kristiyano sa lalawigan ng Galacia: “Tayo na mga likas na Judio, at hindi mga makasalanan na nagbuhat sa mga bansa, yamang nalalaman natin na ang isang tao ay inaaring-matuwid, hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan, kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Kristo Jesus, gaya natin na nagsisisampalataya kay Kristo Jesus, upang tayo’y ariing-matuwid dahilan sa pananampalataya kay Kristo, at hindi dahilan sa mga gawang ayon sa kautusan, sapagkat sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-matuwid ang sinumang laman.” (Galacia 2:15, 16) Oo, ang isang matuwid na katayuan sa harap ng Diyos ay hindi depende sa sakdal na pagsunod sa Kautusang Mosaiko, sapagkat sa kalagayan ng tao na di-sakdal, iyan ay imposible. Isinusog ni Pablo: “Lahat ng dumidepende sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat: ‘Isinusumpa ang bawat hindi nananatili sa lahat ng bagay na nasusulat sa balumbon ng Kautusan upang gawin ang mga ito.’ . . . Sa sumpa ng Kautusan ay tinubos tayo ni Kristo nang siya’y maging isang sumpa sa halip na tayo ang maging gayon.”​—Galacia 3:10-13.

Kung ang mga Judiong tagasunod ni Jesus ay wala na sa ilalim ng sumpa ng Kautusan, ang sinuman bang mga Kristiyano ay obligadong tumupad ng lahat ng mga utos na ibinigay sa Israel? Sa mga taga-Colosas, si Pablo ay sumulat: “May kabaitang pinatawad tayo [ng Diyos] sa lahat ng ating mga kasalanan at pinawi ang sulat-kamay na kasulatan laban sa atin, na binubuo ng mga utos at na salungat sa atin; at Kaniyang inalis iyon sa pamamagitan ng pagpapako sa pahirapang tulos [ni Kristo].” (Colosas 2:13, 14) Walang alinlangan, maraming mga unang Kristiyano ang kinailangang magwasto ng kanilang kaisipan at kilalanin na sila’y “pinalaya na buhat sa Kautusan.” (Roma 7:6) Sa pamamagitan ng pananampalataya sa sakripisyong kamatayan ni Jesus, na siyang tumapos sa Kautusan at nagbigay-daan sa pasinaya ng inihulang “bagong tipan,” sila’y may pag-asang magtamo ng matuwid na katayuan sa harap ni Jehova.​—Jeremias 31:31-34; Roma 10:4.

Kung Ano ang Kahulugan Nito Para sa Atin

Ang ibig bang sabihin nito ay na ang Sampung Utos, na isang saligang bahagi ng Kautusan, ay nawalan na ng lahat ng kabuluhan para sa mga Kristiyano? Tunay na hindi! Bagaman ang Sampung Utos ay hindi naman legal na sapilitang ipinasusunod sa mga Kristiyano, ang mga kautusang ito ay patuloy na nagbibigay ng matatag na mga alituntuning tagapatnubay, tulad din ng mga ibang utos ng Kautusang Mosaiko. Halimbawa, sinabi ni Jesus na ang dalawang pinakadakilang mga utos ay yaong humihiling na ibigin ang Diyos at ang kapuwa. (Levitico 19:18; Deuteronomio 6:5; Mateo 22:37-40) Sa pagpapayo sa mga Kristiyano sa Roma, binanggit ni Pablo ang ikaanim, ikapito, ikawalo, at ikasampung mga utos, na isinusog: “At kung mayroon pang ibang utos, ay nabubuo sa pananalitang ito, na, ‘Ang kapuwa mo’y iibigin mo na gaya ng iyong sarili.’”​—Roma 13:8, 9.

Kung gayon, bilang bahagi ng kinasihang Salita ng Diyos, sa anong layunin ba nagsisilbi ngayon ang Sampung Utos? Ang mga ito ay nagsisiwalat ng punto-de-vista ni Jehova sa mga bagay-bagay. (2 Timoteo 3:16, 17) Isaalang-alang kung papaano nila ginagawa ang mga ito.

Ang unang apat na utos ay nagtatampok ng ating pananagutan kay Jehova. (Una) Siya’y isang Diyos na humihingi pa rin ngayon ng bukod-tanging debosyon. (Mateo 4:10) (Ikalawa) Walang sinuman sa kaniyang mga mananamba ang gagamit ng mga imahen. (1 Juan 5:21) (Ikatlo) Ang paggamit natin sa pangalan ng Diyos ay dapat na tama at sa paraang marangal, hindi walang-galang. (Juan 17:26; Roma 10:13) (Ikaapat) Ang ating buong buhay ay dapat nakasentro sa mga bagay na banal. Ito’y nagpapangyari sa atin na mamahinga, ‘mangilin ng sabbath,’ buhat sa landas ng pagkamatuwid-sa-sarili.​—Hebreo 4:9, 10.

(Ikalima) Ang pagtalima ng mga anak sa kanilang mga magulang ay patuloy na nagsisilbing batong panulok ng pagkakaisa ng pamilya, na nagdudulot naman ng mga pagpapala ni Jehova. At anong kahanga-hangang pag-asa ang ibinibigay ng “unang utos na may pangako” na ito! Hindi lamang “upang mapabuti ka” kundi rin naman upang “mabuhay ka nang matagal sa lupa.” (Efeso 6:1-3) Ngayon na tayo’y namumuhay sa “mga huling araw” ng kasalukuyang balakyot na sistema, ang ganiyang maka-Diyos na pagsunod ay naghahandog sa mga kabataan ng pag-asang huwag nang mamatay kailanman.​—2 Timoteo 3:1; Juan 11:26.

Ang pag-ibig sa ating kapuwa ay hahadlang sa atin sa pamiminsala sa kaniya sa pamamagitan ng mga gawang kabalakyutan gaya ng (Ikaanim) pagpatay, (Ikapito) pangangalunya, (Ikawalo) pagnanakaw, at (Ikasiyam) pagsasalita ng kasinungalingan. (1 Juan 3:10-12; Hebreo 13:4; Efeso 4:28; Mateo 5:37; Kawikaan 6:16-19) Subalit kumusta naman ang ating mga motibo? Ang (Ikasampung) utos, laban sa pananakim sa pag-aari ng iba ay nagpapaalaala sa atin na kahilingan ni Jehovang ang ating mga hangarin ay maging matuwid sa tuwina sa kaniyang paningin.​—Kawikaan 21:2.

Anong laki ng mapapakinabang natin sa kahulugang ibinibigay sa atin ng Sampung Utos! Yamang ito’y nakasalig sa banal na mga simulaing hindi kailanman lilipas, pakamahalin natin ang mga ito bilang mahalagang tagapagpaalaala ng ating obligasyon na ibigin ang Diyos at ang ating kapuwa.​—Mateo 22:37-39.

[Larawan sa pahina 6]

Sa kamatayan ni Jesus ay natapos ang Kautusan, kasali na ang Sampung Utos na ibinigay sa mga Israelita sa Bundok Sinai

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share