Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 6/15 p. 7
  • Katunayan ng Kaluwalhatian ni Solomon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Katunayan ng Kaluwalhatian ni Solomon
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Sisak
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinatutunayan ng Relyebe sa Sinaunang Ehipto ang Ulat ng Bibliya
    Iba Pang Paksa
  • Solomon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Matalinong Hari
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 6/15 p. 7

Katunayan ng Kaluwalhatian ni Solomon

SANG-AYON sa kronolohiya ng Bibliya, si Haring Solomon ay naghari sa Israel mula 1037 B.C.E. hanggang 998 B.C.E. Kapuna-puna, ang aklat na The Archaeology of the Land of Israel, ni Propesor Yohanan Aharoni, ay nagsisiwalat kung papaanong isang malaking pagsulong sa kabihasnang Israelita ang naganap “mga 1000 B.C.E.”

Ang isang halimbawa na ibinigay ni Aharoni ay ang katunayan ng matitibay na pader ng lunsod na ginamitan ng malalaking bato na “tinabas nang taluhaba, rektanggulong mga bloke, na pinaglapat-lapat nang hustung-husto.” Sa kabaligtaran nito, sa mga bansang karatig ng Israel, may mga bahagi ang mga pader ng lunsod na “yari sa laryo at kahoy.”

Isa pa, ang mga lunsod na itinayong-muli noong humigit-kumulang panahon ni Solomon ay katunayan ng maingat na pagpaplano, mahusay ang pagkakahanay-hanay ng mga bahay at buong-ingat na isinaayos ang mga kalye. Sinusuri ni Aharoni ang mga kaguhuan ng “apat na bayan sa Juda na itinayo ayon sa kaparehong parisang plano . . . Beer-sheba, Tell Beit Mirsim, Beth-shemesh, at Mizpah.” Anong laki ng pagkakaiba nito sa isa pang dakilang sentro ng kabihasnan​—ang mas unang lunsod ng Ur sa Mesapotamia! Tungkol dito, si Sir Leonard Woolley ay sumulat: “Hindi nagkaroon ng pagtatangka na isaplano ang bayan . . . Ang mga kalye na di-aspaltado, marami sa mga ito ang mga daang putol . . . ay masalimuot at madali kang maliligaw roon.”

Si Aharoni ay may binabanggit din tungkol sa paghusay ng uri ng mga kagamitan sa bahay noong humigit-kumulang ng paghahari ni Solomon. “Ang pagbabago sa materyal na kultura . . . ay mahahalata hindi lamang sa mga bagay na de-luho kundi rin naman lalo na sa ceramics . . . Ang uri ng mga palayok at ang kahusayan nito pagka isinalang sa apoy ay lalong nag-ibayo na anupa’t hindi mo na makilala . . . Doon biglang-bigla lumitaw ang napakaraming iba’t ibang uri ng mga palayok.”

Ang pinakamaningning na katangian ng paghahari ni Solomon ay yaong pagkaganda-gandang templo, ang palasyo, at ang mga gusali ng pamahalaan sa Jerusalem. Napakaraming ginto ang ginamit upang gayakan ang mga kayariang ito. (1 Hari 7:47-51; 10:14-22) Limang taon pagkamatay ni Solomon, si Faraon Shishak ng Ehipto ay dumating sa Jerusalem at hinubaran ito ng mga kayamanan nito.​—1 Hari 14:25, 26.

Sa kapuwa Ehipto at Palestina, ang nahukay ng mga arkeologo na mga inskripsiyon ay nagpapatunay na talagang nasakop ni Shishak ang Israel. Sa katunayan, maraming mga mananalaysay ang umaamin na dahil sa ginawang panunulisan ni Shishak sa Jerusalem ang mahinang ekonomiya ng Ehipto ay muling nabuhay at sa gayo’y may nagasta si Shishak sa lubhang pagpapalaki sa isang templo ng mga Ehipsiyo na doon niya inirekord ang kaniyang pananakop, gaya ng makikita sa pahinang ito. Si Shishak ay namatay naman hindi nagtagal pagkatapos, at isa pang inskripsiyon ang isinulat na nagsasabing ang kaniyang anak ay nag-abuloy ng humigit-kumulang 200 toneladang ginto at pilak sa mga templo ng Ehipto. Ang inskripsiyon ay hindi nagsiwalat ng pinagkunan ng kayamanang ito, ngunit ang arkeologong si Alan Millard, sa kaniyang aklat na Treasures From Bible Times, ay nagpapahiwatig na “karamihan niyaon ay yaong ginto na tinangay ni Shishak na galing sa Templo ni Solomon at palasyo sa Jerusalem.”

Hindi nga kataka-taka na kahit na ang isang ateistikong ensayklopedia ay kumikilala sa pagiging tunay ng maningning na paghahari ni Solomon! Ang Bol’shaia Sovetskaia Entsiklopediia (Great Soviet Encyclopedia), sa ilalim ng pamagat na “Solomon,” ay tinatawag siya na “pinuno ng Israelitang-Judeanong kaharian,” na isinusog pa na siya’y naghari sa panahon ng “tugatog ng kaharian.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share