Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 9/1 p. 16-17
  • Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • B15 Kalendaryong Hebreo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • B15 Kalendaryong Hebreo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Kalendaryo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pag-aani
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 9/1 p. 16-17

Mga Tanawin Buhat sa Lupang Pangako

Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?

MINSA’Y sinabi ni Jehova: ‘Samantalang ang lupa ay lumalagi, hindi maglilikat ang paghahasik at pag-aani, ang tag-araw at taglamig.’ (Genesis 8:22) Sa ganoo’y idiniin niya na magkakaroon ng mga panahon ng pagtatanim.

Ano ba ang alam mo tungkol sa mga lagay ng panahon at ng kani-kanilang kaugnayan sa pagsasaka? Kahit na kung ikaw ay namumuhay sa isang siyudad o hindi nagsasaka, dapat mong alamin ang tungkol sa mga lagay ng panahon sa Israel at ang mga gawain may kaugnayan sa pagsasaka. Bakit? Sapagkat mientras may nalalaman ka tungkol sa mga ito, lalong mauunawaan mo ang Salita ng Diyos.

Ang mga magsasaka ay nag-aararo ng lupa, naghahasik ng binhi, at pagkatapos ay nag-aani at naggigiik ng kanilang mga inani. Ngunit upang higit na masakyan ang sinasabi ng Bibliya, higit pa ang dapat nating malaman, kasali na ang kung kailan nagaganap ang mga gawaing ito. Halimbawa ang pag-aararo, gaya ng nakikita nating ginagawa sa itaas sa hagdan-hagdan na bukirin doon sa sinaunang Judea.a Sa anong buwan sa palagay mo kinunan ang larawang ito? Baka mailigaw ka ng pagkaalam kung kailan ginagawa ang pag-aararo sa inyong lupain. Ang panahon ng pag-aararo sa Hilagang Hemispero ay hindi katulad ng sa Timugang Hemispero; ito’y nagkakaiba-iba rin sa iba’t ibang taas ng lugar at alinsunod sa panahon ng pag-ulan.

Ito’y maaaring makaapekto sa pangmalas mo sa mga pangyayari na tinutukoy sa Bibliya. Marahil ay mababasa mo ang tungkol sa paghirang ni Elias sa kaniyang kahalili: “Kaniyang . . . nasumpungan si Eliseo na anak ni Shaphat samantalang siya ay nag-aararo na may labindalawang parehang baka sa unahan niya.” (1 Hari 19:19) Sa palagay mo’y anong buwan naganap iyan, at ano kaya ang hitsura ng lupain? At sa Juan 4:35, ay sinabi ni Jesus: “Hindi baga sinasabi ninyo na may apat na buwan pa bago dumating ang pag-aani? . . . Itanaw ninyo ang inyong mga mata at malasin ang kabukiran, na maputi na upang anihin.” Bagaman tumukoy siya ng isang tiyak na panahon, nauunawaan mo ba kung kailan?

Ang tsart ay nagbibigay ng isang mainam na sumaryo ng mga pana-panahon at ng mga gawain sa bukid sa Lupang Pangako. Sa panlabas na bilog ay makikita ang mga buwan ng sagradong kalendaryong Judio.b Kung ihahambing ito sa ating mga buwan, mapapansin mo ang pagkakasanib, tulad baga ng Nisan (o, Abib) na napapasanib sa bandang katapusan ng Marso at ng pasimula ng Abril. Sa sumunod na bahagi patungo sa gitna ay makikita kung kailan nahihinog ang mga aanihin, na tutulong upang maunawaan mo kung kailan nagaganap ang mga ilang gawain sa bukid, tulad baga ng pag-aani at paggiik. Ang nasa gitna ng tsart ay tumutulong sa iyo upang paghambing-hambingin ang mga pagbabagu-bago sa mga lagay ng panahon sa santaon.

Gamitin ang tsart upang palawakin ang iyong unawa at pagpapahalaga sa mga salaysay ng Bibliya, tulad baga ng dalawang halimbawang nabanggit na.

Si Eliseo ay gumagawa ng isang pangunahing gawain na may kinalaman sa pag-aararo nang siya’y tawagin bilang isang propeta. Malamang na ang tinutukoy niyan na panahon ay Tishri (Setyembre-Oktubre), na tapos na ang sukdulang init ng tag-araw. Dahil sa maagang pag-ulan ay nagsimulang lumambot ang lupa, kung kaya’t naaari nang mag-araro, na sinusundan ng paghahasik ng binhi.

At kailan sinabi ni Jesus ang mga pananalita sa Juan 4:35? Ang pag-aani ay apat na buwan pa ang layo. Pansinin na ang pag-aani ng sebada ay nagsimula sa Nisan (Marso-Abril), humigit-kumulang panahon ng Paskua. Bumilang ka ng apat na buwan pabalik. Papatak iyon sa Chislev (Nobyembre-Disyembre). Dumadalas ang ulan, aasahan ang lalong malalakas na ulan at matinding lamig ng panahon. Samakatuwid malinaw na ang tinutukoy ni Jesus ay isang makasagisag na pag-aani nang kaniyang sabihin: “Itanaw ninyo ang inyong mga mata at malasin ang kabukiran, na ang mga ito ay mapuputi na upang anihin.”

Ang sumusunod ay iba pang mga katanungan para sa iyong personal na pag-aaral o para gamitin sa isang nakalulugod na oras ng pakikipag-aral sa iyong pamilya:

▪ Ang pag-aani ng lino sa palibot ng Jerico ay sa buwan ng Adar; kung gayon, papaanong ang detalye ng Josue 2:6 at 3:15 ay nagpapatunay na totoo ang sinasabi ng Bibliya?​—Josue 4:19; 5:11.

▪ Ang pagigiik ang kasunod ng pag-aani ng trigo, kaya’t papaano ngang ang pangako na nasa Levitico 26:5 ay naglalarawan ng kasaganaan sa buhay?

▪ Papaanong ipinahihiwatig ng 2 Samuel 21:10 na marahil si Rizpah ay patuloy na naglamay alang-alang sa kaniyang dalawang anak, na pinahintulutang mapaslang upang maalis ang sala laban sa dugo buhat sa bayan ng Diyos?

▪ Bakit ang mga kulog at ang ulan na binabanggit sa 1 Samuel 12:17 ay pinaniniwalaan na isang kasagutan buhat sa Diyos?​—Kawikaan 26:1.

▪ Anong dahilan mayroon si Ruth upang isipin na ang pagkatrato sa kaniya ni Boaz ay hindi lamang dahil sa biglaan niyang naisip nang mga sandaling iyon?​—Ruth 1:22; 2:23.

Bakit hindi dalhin ang tsart na ito pagka ikaw ay nagbabasa ng Bibliya?

CHISLEV NISAN

25 Kapistahan ng Pag-aalay 14 Paskuwa

15-21 Walang-lebadurang Tinapay

16 Paghahandog ng mga pangunang-bunga

IYYAR ADAR

14 Naantalang Paskuwa 14, 15 Purim

(Bilang 9:10-13)

SIVAN TISHRI

6 Kapistahan ng mga Sanlinggo 1 Paghihip ng trumpeta

(Pentecostes) 10 Araw ng Katubusan

15-21 Kapistahan ng mga Kubol

22 Mahalagang asamblea

[Mga talababa]

a Tingnan din ang 1990 Calendar of Jehovah’s Witnesses.

b Isang ekstra, o intercalary, na buwan (ng Veadar) ang idinagdag makapitong beses sa isang siklo na may 19 na taon.

[Dayagram/Mga Larawan sa pahina 17]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

NISAN (ABIB)

Marso-Abril

Sebada

IYYAR (ZIV)

Abril-Mayo

Trigo

SIVAN

Mayo-Hunyo

Maagang mga Igos

TAMMUZ

Hunyo-Hulyo

Unang mga ubas

AB

Hulyo-Agosto

Mga Prutas sa Tag-araw

ELUL

Agosto-Septyembre

Datiles, Ubas, Igos

TISHRI (ETHANIM)

Septyembre-Oktubre

Pag-aararo

HESHVAN (BUL)

Oktubre-Nobyembre

Olibo

CHISLEV

Nobyembre-Desyembre

Kawan Kung Taglamig

TEBETH

Desyembre-Enero

Mga Halaman na Umuunlad

SHEBAT

Enero-Pebrero

Bulaklak ng Almendro

ADAR

Pebrero-Marso

Citrus

VEADAR

Marso

[Picture Credit Line sa pahina 16]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

[Picture Credit Lines sa pahina 17]

Garo Nalbandian

Pictorial Archive (New Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share