Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 11/15 p. 26
  • Manatiling May Pananampalataya sa Diyos at kay Kristo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manatiling May Pananampalataya sa Diyos at kay Kristo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pahalagahan ang Katayuan ni Kristo
  • Pahalagahan ang Diyos at si Kristo
  • Laodicea, Mga Taga-Laodicea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Aklat ng Bibliya Bilang 51—Mga Taga-Colosas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Colosas, Liham sa mga Taga-
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bumili ng Gintong Dinalisay ng Apoy
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 11/15 p. 26

Manatiling May Pananampalataya sa Diyos at kay Kristo

Mga Tampok Buhat sa Mga taga-Colosas

ANG pananampalataya sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo ay mahalaga ukol sa kaligtasan. Subalit ang pananatili sa gayong pananampalataya ay isang hamon. Ganiyan nga para sa mga Kristiyano sa Colosas, isang lunsod sa gawing silangan ng Efeso sa Asia Minor. Bakit? Sapagkat ang mga bulaang guro roon ay may maling paniwala na ang kaligtasan ay depende sa pagtutuli, sa kinakain ng isa, at sa pangingilin ng mga ilang itinatanging kapistahan o araw.

Kung gayon, mauunawaan kung bakit si apostol Pablo ay may pagkabahala tungkol sa espirituwal na kapakanan ng mga Kristiyano sa Colosas, at ibig niyang sila’y manatili sa kanilang pananampalataya sa Diyos at kay Kristo. Kaya’t sa may dulo ng panahon ng unang pagkabilanggo ng apostol sa Roma (humigit-kumulang 60-61 C.E.), kaniyang isinulat ang liham sa mga taga-Colosas na may layuning salungatin ang mga maling paniwala at patatagin ang kanilang pananampalataya. Tingnan natin kung papaanong tayo man ay maaaring makinabang buhat sa kaniyang maibiging pananalita.

Pahalagahan ang Katayuan ni Kristo

Sa pasimula pa lamang ng kaniyang liham, itinampok ni Pablo ang pagpapahalaga sa katayuan ni Jesus. (1:1–​2:12) Kaniyang binigyang-papuri ang mga taga-Colosas dahilan sa kanilang pananampalataya may kaugnayan kay Kristo at sa kanilang pag-ibig sa kanilang mga kapananampalataya. Binanggit ni Pablo ang kadakilaan ni Kristo bilang Isa na sa pamamagitan niya lahat ng iba pang mga bagay ay nilalang, ang Ulo ng kongregasyon, at ang panganay sa mga patay. Ang pakikipagkasundo sa Diyos ay sa pamamagitan lamang ni Kristo, na sa kaniya nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman. Sa liwanag ng lahat na ito, ang mga Kristiyano ay dapat patuloy na lumakad kaisa ni Kristo at huwag hayaang sila’y pagsamantalahan ninuman sa pamamagitan ng pilosopya ng mga tao.

Sa pamamagitan ni Kristo, ang Kautusan ay inalis na ng Diyos. (2:13-23) Sa makasagisag na paraan ay ipinako iyon sa tulos na kinamatayan ni Jesus. Ang mga hinihiling ng Kautusan ay “isang anino [lamang] ng mga bagay na darating, ngunit ang katuparan ay kay Kristo.” Sa pamamagitan ng panghahawakang mahigpit kay Kristo, hindi nila tutulutang agawin sa kanila ng sinumang tao ang gantimpalang walang-kamatayang buhay sa langit.

Pahalagahan ang Diyos at si Kristo

Pagkatapos ay ipinayo ni Pablo sa mga taga-Colosas na sila’y magbihis ng bagong pagkatao at pasakop sa kapamahalaan ni Jesu-Kristo. (3:1-17) Sa pamamagitan ng pagpapako ng kanilang isip sa mga bagay na nasa itaas, ang espirituwal na mga kapakanan ang uunahin nila sa kanilang buhay. Dito’y kailangan na alisin ang mga maling saloobin at pananalita. Anong laki ng pagpapalang idudulot sa kanila kung sila’y magbibihis ng mga katangian na gaya ng kaawaan, kababaan ng isip, at pag-ibig! Ang kapayapaan ni Kristo ang mangingibabaw sa kanilang puso kung lahat ng bagay ay ginawa nila sa pangalan ni Jesus, na pinasasalamatan ang Diyos sa pamamagitan niya.

Ang pagpapahalaga sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo ang dapat ding makaimpluwensiya sa kaugnayan ng Kristiyano sa iba. (3:18–​4:18) Ang mga asawang babae, asawang lalaki, mga anak, alipin, at mga panginoon ay dapat ganapin ang kanilang mga tungkulin na taglay ang pagkatakot sa Diyos at may pagkilala kay Kristo. At lubhang kailangan nga na magtiyaga sa pananalangin at lumakad nang may karunungan!

Ang liham ni Pablo sa mga taga-Colosas ay makatutulong sa atin na umiwas sa mga kasinungalingang turo na magnanakaw sa atin ng gantimpalang buhay. Ang pagdiriin ng apostol sa pagkilala sa kapamahalaan ni Jehova at ng kaniyang Anak ay makapagdudulot ng mainam na impluwensiya sa ating pakikitungo sa iba. At saganang mga pagpapala ang tiyak na kakamtin natin kung tayo’y mananatili sa ating pananampalataya sa Diyos at kay Kristo.

[Kahon/Larawan sa pahina 26]

Liham sa Laodicea: “Pagka ang liham na ito ay nabasa na sa inyo,” isinulat ni Pablo sa mga taga-Colosas, inyong “isaayos na ito’y basahin din sa kongregasyon ng mga taga-Laodicea at basahin din ninyo yaong nanggaling sa Laodicea.” (Colosas 4:16) Ang Laodicea ay isang mayamang siyudad sa kanlurang Asia Minor, na sa pamamagitan ng mga lansangan ay nakakatnig sa mga siyudad na gaya ng Filadelfia at Efeso. Malamang, ang gawain ni Pablo sa Efeso ay nakarating hanggang sa Laodicea, bagaman hindi siya gumanap ng ministeryo roon. Siya’y nagpadala ng liham sa mga Kristiyano sa Laodicea bagaman may mga iskolar na naniniwalang iyon ay isang duplikado ng liham na isinulat niya sa mga taga-Efeso. Ang liham sa Laodicea ay hindi matatagpuan sa Bibliya, malamang na dahil sa walang impormasyon iyon na kailangan natin sa ngayon, o marahil inulit doon ang mga puntong sapat na nasasaklaw sa mga ibang liham na bahagi ng canon.

[Larawan]

Mga kaguhuan sa Laodicea

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share