Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 1/1 p. 30-31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Esther
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Siya ay Matalino, Matapang, at Di-makasarili
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 1/1 p. 30-31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Ang kabataang babaing Judiong si Esther ba ay nagkaroon ng imoral na pakikipagtalik sa hari ng Persia upang kamtin ang kaniyang lingap at sa gayo’y tumanggap ng mga kapakinabangan?

Marahil ang iba ay ganito ang paniniwala batay sa makasanlibutang pag-uulat, subalit ang mapanghahawakang ulat sa Bibliya ay salungat sa ganitong paniwala.

Ang Judiong historyador na si Flavius Josephus ay nagbibigay ng isang sekular na ulat na ang reyna ng Persiyang si Vasti ay tumangging humarap sa kaniyang asawa, si Assuero. Kung gayon, ang hari, maliwanag na ito’y si Xerxes I noong ikalimang siglo B.C.E., ay nagalit at tumanggi kay Vasti at pumayag na maghanap sa buong imperyo ng isang bagong reyna. Magagandang kabataang dalaga ang tinipon at dumaan sa matagal na pangangalaga may kinalaman sa pagpapaganda.

“Pagkatapos, nang inaakala [ng bating ng hari] na ang mga dalaga’y dumaan na sa hustong pangangalaga . . . at ngayo’y maaari nang sipingan ng hari sa kaniyang higaan, siya’y nagsugo ng isa bawat araw upang sipingan ng hari, na, pagkatapos na makipagtalik sa kaniya, agad pinababalik siya sa bating. Ngunit, nang si Esther na ang makapiling niya, siya’y nalugod at pagkatapos, palibhasa’y tinubuan na siya ng pag-ibig sa kaniya, ito ang ginawa niyang kaniyang tunay na asawa at idinaos ang kanilang kasal.”​—Jewish Antiquities, Aklat XI, 184-202, isinalin ni Ralph Marcus, (Aklat 11, kabanata 6, parapo 1, 2, ayon sa pagkasalin ni William Whiston).

Ang sekular na ulat na ito ay maaaring umakay para isipin na ang mga dalaga ay nagkaroon ng imoral na pakikipagtalik sa hari at ang pagkakaiba lamang kung tungkol sa kaso ni Esther ay na ang kaniyang imoralidad ay humantong sa kasal at sa kaniyang pagiging reyna. Gayunman, ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng higit na tumpak at kasiya-siyang impormasyon.

Pagkatapos na iulat ang mga pangangalaga para sa pagpapaganda, ang Bibliya ay nagsasabi: “Kaya sa ganitong mga kalagayan, naparoon sa hari ang [bawat] dalaga. . . . Sa kinagabihan ay naparoroon siya, at sa kinaumagahan ay bumabalik siya sa ikalawang bahay ng mga babae na pinamamahalaan ni Shaashgas na bating ng hari, ang tagapag-ingat sa mga babae. Hindi na niya pinapasok ang hari malibang siya’y kalugdan ng hari at siya’y tawagin sa pangalan.”​—Esther 2:13, 14.

Sinasabi ng Kasulatan na si Esther “ay dinala” sa “bahay ng mga babae” para sa matagal, na itinakdang pangangalaga para sa pagpapaganda: “Pagkatapos si Esther ay dinala kay Haring Assuero . . . At si Esther ay inibig ng hari nang higit kaysa lahat ng ibang mga babae, kung kaya’t siya’y higit na nilingap at minahal niya kaysa lahat ng mga ibang dalaga. At ang putong ng pagka-reyna ay kaniyang inilagay sa kaniyang ulo at ginawa siyang reyna na kahalili ni Vasti.”​—Esther 2:8, 9, 16, 17.

Napansin mo ba buhat sa ulat ng Bibliya kung saan dinala ang mga babae pagkatapos na sila’y makapiling sa magdamag ng hari? ‘Sa ikalawang bahay ng mga babae na pinamamahalaan ng tagapag-ingat sa mga babae.’ Kaya sila’y naging mga kerida. Si Mardocheo, ang sumulat ng aklat ng Bibliya na Esther, ay isang Hebreo, at sa gitna ng kaniyang bayan noon, ang isang kerida ay nasa katayuang panlipunan ng isang pangalawang asawa. Pinapayagan ng kautusan ng Diyos na ang isang lalaking Israelita ay kumuha ng isang babaing banyaga na nabihag sa digmaan, at ito’y maaaring maging kaniyang kerida, o pangalawang asawa, na may mga karapatan at proteksiyon ng batas. (Deuteronomio 21:10-17; ihambing ang Exodo 21:7-11.) Ang mga naging anak ng gayong legal na kerida ay tunay na mga anak at maaaring pamanahan. Ang 12 anak ni Jacob, mga ninuno ng 12 tribo ng Israel, ay mga supling ng kaniyang mga asawa at legal na mga kerida.​—Genesis 30:3-13.

Ang pamamaraan ay na pagkatapos makapiling ng hari ng Persiya ang mga dalaga, sila’y naparoon sa bahay ng mga babae, o kerida. Ipinakikita nito na sila’y naging kaniyang pangalawang mga asawa.

Kumusta naman si Esther? Hindi sinasabi ng Bibliya na siya’y natulog sa piling ng hari at sa ganoo’y nakamit ang kaniyang paglingap. Hindi sinasabi na siya’y dinala sa bahay ng mga kerida, kundi ang sabi lamang ay: “Pagkatapos ay dinala si Esther kay Haring Assuero sa kaniyang bahay-hari . . . At minahal ng hari si Esther nang higit kaysa lahat ng ibang mga babae.” Tandaan na una rito, bagaman walang anumang seksuwal na pakikipagkompromiso ng kaniyang malinis na pagkadalaga, kaniyang nakamit ang “kagandahang-loob” ni “Hegai na tagapag-ingat sa mga babae.” Gayundin: “Samantala si Esther ay patuloy na nagkakamit ng lingap sa paningin ng lahat ng nakakakita sa kaniya.” (Esther 2:8, 9, 15-17) Samakatuwid malinaw na humanga kay Esther ang hari at nakamit ang kaniyang paggalang, gaya rin ng kung papaanong nakamit niya ang paggalang ng iba.

Anong laki ng ating pasasalamat na ibinigay sa atin ng Bibliya ang tunay na mga pangyayari at ang matalinong unawa! Bagaman libu-libong taon na ang lumipas sapol nang maganap ang mga pangyayari, tayo ay may dahilan na magtiwala na si Esther ay kumilos na may tunay na karangalan at kasuwato ng maka-Diyos na mga simulain.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share