Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 2/1 p. 29
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Bituing pang-umaga
    Glosari
  • Bituing pang-araw
    Glosari
  • Magbigay ng Pansin sa Makahulang Salita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 2/1 p. 29

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Bakit ang pagkasalin ng 2 Pedro 1:19 sa New World Translation of the Holy Scriptures ay iba kaysa yaong nasa mga ibang Bibliya?

Upang idiin ang kahalagahan ng kinasihang salita ng Diyos, si apostol Pedro ay sumulat: “Kaya kami ay may lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong binibigyang-pansin na gaya ng isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumilang, sa inyong mga puso.”​—2 Pedro 1:19.

Pansinin na ang pariralang “hanggang sa pagbubukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumilang” ay ibinubukod ng mga comma (kuwit). Hindi ganito ang ginagawa ng karamihan ng mga salin ng Bibliya.

Halimbawa, ang huling bahagi ng talata 2Ped 1:19 ay isinasalin ni Dr. James Moffatt nang: “. . . nagliliwanag iyon na gaya ng isang ilawang nasa loob ng isang madilim na dako; hanggang sa ang Araw ay magbukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumilang sa loob ng inyong mga puso.” Ang ganitong mga pagkasalin ay umaakay tungo sa pangmalas na ang pagsilang ng tala sa umaga ay nagaganap sa loob ng mga puso ng mga mananampalataya, tulad baga ng pagka sila’y nakararanas ng kung ano mang espirituwal na kaliwanagan.

Gayunman, maging noon mang kaarawan ni Moises, may mga pahiwatig na ‘isang tala mula kay Jacob’ ang babangon. (Bilang 24:17; ihambing ang Awit 89:34-37.) Malinaw na ipinakilala ni Jesus ang kaniyang sarili bilang ang “supling ni David, at ang nagniningning na tala sa umaga.”​—Apocalipsis 22:16.

Ang pagpapakilalang ito sa “tala sa araw,” o “tala sa umaga,” ay angkop sa konteksto na tinatalakay ni apostol Pedro. Kababanggit-banggit lamang niya ang pangitaing pagbabagong-anyo na kaniyang nakita mga 30 taon na ang nakalipas. (Mateo 16:28–​17:9) Ang maningning na pangitaing iyan ay nagpapahiwatig sa panahon na si Jesus ay ‘paparito na nasa kaniyang kaharian,’ o siya’y luluwalhatiin sa kapangyarihan sa Kaharian. Ang nakita ni Pedro ay nagdiriin sa kahalagahan ng salita ng Diyos; sa katulad na paraan, ang mga Kristiyano sa ngayon ay kailangang magbigay ng pansin sa salitang iyan ng hula.

Samantalang ang mga puso ng mga tao sa pangkalahatan ay noon​—at hanggang sa ngayon​—nasa kadiliman, hindi dapat magkaganiyan kung tungkol sa mga tunay na Kristiyano. Ito’y waring sila’y may isang ilawan na nagbibigay-liwanag sa isang dako na kung hindi gayon ay magiging madilim, ang kanilang mga puso. Batid ni Pedro na sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa lumiliwanag na salitang hula ng Diyos, ang mga Kristiyano ay laging magiging listo at may kaliwanagan tungkol sa pagbubukang-liwayway ng isang bagong araw. Iyan ay yaong panahon na ang “tala sa araw,” o “maningning na tala sa umaga,” ay aktuwal na magpunò sa kapangyarihan sa Kaharian.

Kapana-panabik malaman na si E. W. Bullinger ay sumulat tungkol sa 2 Pedro 1:19: “Dito, maliwanag na may isang panaklong, sapagkat ang hula ang ilaw na nagliliwanag, at si Kristo at ang Kaniyang paglitaw ang Tala-sa-araw at ang Tala-sa-bukang-liwayway. Tiyak, ang kahulugan ay hindi maaaring yaong pagpapayo sa atin na sundin ang salitang hula hanggang sa si Kristo’y mahayag sa ating mga puso! Hindi; kundi ating susundin ang ating mga puso sa salitang ito ng hula, hanggang sa katuparan nito sa paglitaw ni Kristo​—ang pagsilang Niya na tinatawag na ‘ang Tala sa Umaga.’ ”​—Figures of Speech Used in the Bible, 1898.

Kaya naman, maraming mga salin ng Bibliya na gumagamit ng mga panaklong sa 2 Pedro 1:19.a Sa New World Translation of the Holy Scriptures ay ginagamit ang saligang kaayusan ng presentasyon na matatagpuan sa orihinal na Griego. Subalit gumagamit ito ng mga comma upang ihiwalay ang pariralang “hanggang sa pagbubukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumilang” buhat sa payo na magbigay-pansin sa salita ‘gaya ng isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, sa inyong mga puso.’

[Talababa]

a Tingnan halimbawa ang The Twentieth Century New Testament (edisyong 1904), The Emphatic Diaglott (edisyong 1942), Concordant Literal New Testament (1976).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share